Vien Iligan-Velasquez Reveals the Real Reason Why She Underwent Rhinoplasty and Chin Augmentation

Sinagot ng Team Payaman content creator na si Vien Iligan-Velasquez ang mga katanungan ng netizens tungkol sa kanyang Rhinoplasty at Chin Augmentation kamakailan lang.

Strongest clap back for bullies

Sa kanyang bagong YouTube vlog, ibinahagi ng 27-anyos na vlogger na ang totoong rason sa likod ng kanyang desisyong ipagawa ang ilong ay ang kawalan ng kumpiyansa sa sarili na nagsimula sa pang-aasar ng ilang kamag-anak at kaklase noong kanyang kabataan.

Tumatak aniya sa kanyang isip ang mga katagang “Maganda ka sana, malaki lang talaga ang ilong mo. 

Kwento pa ni Vien, habang nagdadalaga at patuloy pa rin ang pang-aasar sa kanya ng ilan, kaya naman naging mas conscious siya at pakiramdam niya ay tila may kasamang panghuhusga sa kanyang ilong sa tuwing may kinakausap siyang ibang tao.

Kahit hindi naman ganoong ikinakahiya ang kinalakihang ilong, masaya si Vien sa naging desisyon na pagandahin pa ito upang mas lalo pang tumaas ang kumpiyansa sa sarili.

Kaya naman ang mensahe ni Vien ngayon para sa sarili: “Maganda ka na. Matangos na ang ilong mo. ‘Wag ka na mag-alala.

Samantala sinagot din ni Vien ang mga tanong kaugnay sa kanyang nauna ng beauty enhancements gaya ng chin augmentation at nose sculpture na pinagawa nito sa Pretty Looks Aesthetic Center noong nakaraang taon.

Ipinaliwanag ni Vien na ito ay mga non-surgical procedures na natutunaw rin at sa katagalan ay nawawala. Upang maiwasan ang paulit-ulit na pagpapagawa ng chin at nose fillers, naging buo na lang ang loob ni Vien na ipagawa na rin ang kanyang baba para rin mapanatili ang proportion ng kanyang mukha.

Para ‘yung side profile ko, hindi naiiwan ‘yung baba ko. Bukod sa matangos ‘yung ilong ko, at least, hindi naiiwan ‘yung baba ko”.

Supportive reactions

Laking pasasalamat naman ni Vien para sa lahat ng taga-subaybay na patuloy na sumusuporta sa kanya, nagagandahan sa kanyang bagong itsura, at nag-iiwan ng mga positibong kumento.

Para sa akin, mahalaga din ‘yun, malaking bagay na sa akin ‘yun na na-appreciate nila ‘yung ginawa ko and hindi nila ako basta jinudge,” ani Vien.

Bagamat inasahan na niya ang ilang mga negatibong kumento lalo mula sa mga taong sarado pa ang utak patungkol sa pagpaparetoke, para sa kanya ay talagang mas lamang pa rin ang mga natatanggap na papuri kaysa sa mga pang-iinsulto. 

Kaya sobrang thank you sa mga nagmamahal sa akin, and sa mga naka-appreciate, and sa mga nagandahan sa aking ilong.“

Ipinagpapasalamat din ni Vien ang suporta ng kanyang pamilya, lalo’t higit ng asawang si Junnie Boy na buong-loob na pumayag na ituloy ang operasyon at ngayon ay gandang ganda sa kanya. 

“Lagi n’ya akong tinititigan nang matagal… as in parang matutunaw na ako.”

Kapareho ng opinyon ng panganay nilang anak na si Mavi nang kanyang tinanong kung maganda siya habang may mga benda sa mukha at maga pa ang mata.

Nakakatuwa kasi bata pa lang, bolero na siya,” biro ni Vien.

Laking tuwa rin ni Vien na mas bukas na ang isip ng kasalukuyang henerasyon patungkol sa pagpaparetoke, kaya naman nag-iwan siya ng munting paalala para sa mga gustong sumubok.

Kung ano talagang nararamdaman n’yo, anong gusto niyong gawin, gawin n’yo. Gawin n’yo para sa sarili n’yo. Hindi para sa iba.”

Para malaman kung magkano ang kabuuang ginastos ni Vien, sino ang kanyang doctor, at iba pa, panoorin ang buong vlog dito:

Kath Regio

Recent Posts

Here Are the Top 5 Things to Do in Baguio ft. VIYLine MSME Caravan

Planning a trip to Baguio this week, but not sure what activities to try? Don’t…

2 days ago

CHALLENGE ACCEPTED: Angeline Quinto & Viy Cortez-Velasquez’s Showdown of Vocals and Kitchen Skills

Matapos gumawa ng chocolate cake para sa kanilang mga chikiting, muling nagharap aktres at singer…

2 days ago

Proof that Mommy Riva and Athena Are The Ultimate Mom-Daughter Duo

Bukod sa pagiging aktres, dancer, at vlogger, isa rin ang pagiging hands-on mommy sa mga…

2 days ago

This is How Ellen Adarna Champions Mental Health

Trigger Warning: This article contains sensitive topics related to mental health that may trigger some…

2 days ago

Jai Asuncion’s Top 3 Must-Try Food Stops in Binondo, Manila

Matapos ang matagal na pahinga sa pag-vlog, muling nagbabalik ang content creatorna si Jai Asuncion…

3 days ago

Zeinab Harake & Ray Parks Wow Supporters With Romantic Prenup Video

They say love comes when you least expect it—at the right time, with the right…

3 days ago

This website uses cookies.