Viy Cortez Reveals Snippets of Wedding Preparations

Dahil nalalapit na ang inaabangang kasal ng taon, ibinahagi na ng soon-to-be bride na si Viy Cortez ang paghahanda nila ng fiancé nitong si Cong TV para sa kanilang kasal.

Alamin ang mga naging katuwang ng Team Payaman power couple para maisakatuparan ang kanilang dream wedding. 

Wedding Preps

Sa kanyang bagong TikTok video, sinagot ni Viy Cortez ang tanong tungkol sa kanyang inaabangang pagpapakasal sa Team Payaman head na si Cong TV.

“Kelan po kasal? Share naman your wedding preps,” ani isang netizen.

Bagamat hindi pa inaanunsyo kung kailan ang kasal ng dalawa, ibinahagi na lang ni Viviys ang mga hakbangin nila sa paghahanda bago ang kanilang “big day.”

“Malapit na malapit na ang wedding!” bungad nito.

Labis ang pasasalamat ni Viy sa wedding planner nitong si Princess Anne Ramos ng Events by Miss P, na s’ya ring nag-organisa ng kaarawan ni Kidlat (July 2023), pati na rin ng ika-18 na kaarawan ng kanyang bunsong kapatid na si Yiv Cortez (April 2022).

“Mas nadalian kaming mag-asikaso ng wedding [dahil kay Miss P]. Ang laking tulong talaga kapag mayroon kang coordinator. Miss P, thank you thank you so much!” pasasalamat nito.

Ayon pa sa 27-anyos na vlogger at businesswoman, plantsado na rin ang mahahalagang detalye ng kasal gaya ng simbahan at reception venue.

“Konting details na lang yung kailangan namin para dito sa kasal,” masayang kwento ni Viy.

Personal Preparations

Ayon kay Viy Cortez, silang mag-asawa na lang ang kailangan pa ng puspusang paghahanda para sa kasal, partikular na sa kanilang pisikal na pangangatawan.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na una nang sinimulan ni Cong TV ang pagpapalaki at pagpapaganda ng kanyang pangangatawan.

“Kasi si Cong, kung makikita n’yo lang ‘yung pagda-diet n’ya, grabe ‘yung pagpapalaki n’ya ng katawan,” kwento ni Viy.

Samantala, pag-inom naman ng Lumi 24H Glutathione Capsules ang kasangga ni Viviys para sa paghahanda ng kanyang blooming at healthy skin para sa kasal.

“So umiinom ako ng white capsules sa umaga at pink capsules sa gabi dahil syempre sa kasal ko gusto ko pantay ‘yung kulay ko para naman pakak na pakak ako sa mata ng magiging asawa ‘ko, ‘di ba?” 

Manatiling nakatutok sa VIYLine Media Group para sa iba pang kaabang abang na detalye ng kasalang Cong TV at Viy Cortez. 

Yenny Certeza

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

1 day ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

1 day ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

3 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

3 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

3 days ago

This website uses cookies.