How Couples Should Maintain a Healthy Relationship According to Kevin and Abbygail Hermosada

Ilang araw na lang ay ipagdiriwang na ng mag-asawang Kevin Hermosada at Abigail Campañano-Hermosada ang unang taon nila bilang ganap na mag-asawa.

Matapos ang higit sampung taong pagsasama, ibinahagi ng Team Payaman power couple ang sikreto sa pagpapanatiling  matibay ng kanilang relasyon.

The Hermosada Way

Kamakailan lang ay bumida sa isang radio interview ng DZXL News ang Team Payaman couple na sina Kevin Hermosada at Abigail Campañano-Hermosada.

Bukod sa kanilang umuusbong na karera sa vlogging, isa rin sa mga hinahangaan ng netizens ay ang pagkakaroon nila ng matatag na relasyon.

Sa nasabing interview ay isiniwalat ni Kevin na nagsimula ang kanilang relasyon noong sila ay nasa high school.

“Ganda nito ah! Ganda ng kutis tapos ang galing kumanta!” sagot ni Kevin nang tanungin sa unang impresyon sa kanyang misis.

Inamin din ng LIBRE band vocalist na s’ya ang unang nagbitaw ng mga salitang “I love you,”  na ayon kay Abby ay talagang ikinakilig n’ya.

Healthy Boundaries

Bukod sa mga kilig seryeng hatid ng mag-asawang Kevin at Abby sa TikTok, hindi maiiwasan ang mga pagtatalo na s’yang nagpapatibay ng kanilang relasyon. 

Pagdating sa usapang “privacy” nagkakasundo ang dalawa na tiwala sila sa isa’t-isa kahit wala itong direktang access sa social media accounts ng isa’t-isa.

“Kailangan ng privacy talaga,” ani Abby.

Para naman kay Kevin, “Tsaka paano kung mayroong ‘di kayang i-open [sa’yo ‘yung partner mo]. Sa amin ni Abby, ayaw namin yung ganon, yung alam yung mga passwords.”

Isa rin sa pinaka-iniingatan ng dalawa ay ang kanilang “peace of mind,” dahilan upang matuto itong magtiwala at bumuo ng isang masayang relasyon.

Sa mahigit sampung taon nilang pagsasama, inamin ng dalawa na hindi na tumatagal ang anumang mga alitan nila.

“Madali kaming i-approach. Marupok kami!” biro ng dalawa.

Pagdating naman sa selosan, inamin ni Kevin na nakakaramdam ito ng selos kapag hindi niya kilala ang kumakausap sa kanyang misis.

Ani Kevin: “Napaka-seloso ko dati! Mayroon lang kasing minsan na hindi ako kilala. Minsan, magkasama kami tapos may biglang kakausap sa kaniya.” 

Inamin ng mga ito na dumating na sa puntong muntik na silang maghiwalay dala ng problema sa oras, na kanila din namang nalutas, dahilan upang mas lalo pa itong tumibay at magtagal ang kanilang pagsasama.

“Pinili pa rin namin ‘yung isa’t isa over ‘dun sa problema” kwento ni Abby.

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

5 hours ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

7 hours ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

1 day ago

Yiv Cortez Wows Netizens with Her Rendition of ‘Ligaw Tingin’

Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

4 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

4 days ago

This website uses cookies.