Bukod sa vlogging, isa ngayon sa pinagkakaabalahan ng King of Parlor Games ng Team Payaman na si Boss Keng ay ang pagnenegosyo.
Alamin ang surpresang hatid ni Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng para sa kanyang mga kasamahan sa Boss Madam residence.
Sa kanyang bagong vlog, inanunsyo ni Boss Keng ang bagong nilulutong negosyo kasama ang kaibigan at kapwa Team Payaman member na si Adam Navea.
Isiniwalat ni Boss Keng na matapos ang matagal na pag-iipon ay unti-unti nang natutupad ang negosyong binuo nilang dalawa.
Isang munting tahian ang negosyong binubuo ng tambalang Boss Keng at Adam, kung saan tatanggap ito ng mga damit na maaaring ibenta sa madla.
“Kaunti na lang matatapos na itong ating mini tahian!” bungad nito.
Bilang pagtanaw ng utang na loob sa serbisyong ibinibigay ng miyembro ng Boss Madam team na sina Kuya Lim, Sonny J, Nigel, pati na rin ang videographer nitong si Lee sa pamilya Gaspar, may hatid na surpresa si Boss Keng.
“Pwede kayo mag-buo ng [clothing] brand na gusto n’yo, ako ang mamumuhunan. Wala ka nang ilalabas, ako bahala!” aniya.
Hindi naman maitago ang ngiti ng tatlo nang malamang isang oportunidad na makabuo ng negosyo ang regalo sa kanila ng nag-iisang Boss Keng.
“Kuya, thank you, thank you!” pasasalamat ni Nigel.
Ani Sonny J: “‘Yon! Magtutuloy-tuloy na ‘yung negosyo ko!”
Bukod sa mga damit, inanyayahan din ni Boss Keng ang mga kasama na subukan ang iba pang serbisyo ng kanilang mini tahian gaya ng cut and sew, printing, paglalagay ng etiketa, at marami pang iba.
Para sa mga nais gumawa ng kanilang sariling clothing line bilang negosyo, bukas din ang mini tahian nina Boss Keng at Adam upang isakatuparan ang inyong pangarap na negosyo.
Watch the full vlog below:
Ever since its release, VIYLine Cosmetics Lip Slay has received the love it deserves from…
Sa likod ng tagumpay na nakamit ng social media star na si Malupiton ay ang…
Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…
Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…
In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…
Having a healthy lifestyle doesn’t just start with adults alone; even kids can now embark…
This website uses cookies.