Ang buwan ng Pebrero ay buwan ng Team Payaman member na si Clouie Dims dahil bukod sa Valentine’s Day ay ipinagdiwang nito ang kanyang kaarawan.
Silipin ang ilan sa mga tagpo sa nagdaang selebrasyon ni Clouie kasama ang mga malalapit nitong kaibigan.
Sa kanyang bagong vlog, isinama ni Clouie Dims ang kanyang mga manonood sa pagdiriwang ng kaarawan na kanyang sinimulan sa night-out salubong kasama ang Team Payaman.
Bukod sa masasarap na pagkain at kaliwa’t kanan na sayawan, kantahan, at inuman ang bumuo sa masayang selebrasyon ng kaarawan ni Clouie.
Kinabukasan, muling sinama ni Clouie ang kanyang manonood sa selebrasyon kasama naman ang kanyang pamilya.
Kasama ang ina, kapatid, at nobyong si Dudut Lang, masaya silang nagsalu-salo sa isang masarap na Thai food lunch.
“Happy birthday, Clouie!” bati ng kanyang ina.
Pagkatapos ng kanyang kaarawan, sunod naman nitong ipinagdiwang ang Valentine’s Day kasama ang Team Payaman Girls.
Tinawag ito ng kanilang grupo na “Galentines Day” dahil imbes na kanilang mga asawa’t nobyo ang kasama, nagsama-sama ang Team Payaman Wild Cats sa isang masayang Valentine’s salubong.
“Masyadong common na kasi ‘yung puro kasama mga asawa [sa Valentine’s Day]. It’s about time to celebrate with besties!” ani Pat Velasquez-Gaspar.
Para naman sa Valentine’s Day date nina Dudut at Clouie, dinala ng mga ito ang kanilang furbaby na si Bruno sa Taguig upang mamasyal.
“Tamang walk lang kami dito, para happy ang aming dog!” ani Clouie.
Matapos ang mahabang lakaran ay nakahanap ng isang chill na tambayan ang dalawa, kung saan sila nagkape at nagkwentuhan.
“First time kong nakaranas ng ganito, ‘yung huli kasi ang dami [tao] sa mga kapihan eh. Daming tao kapag late night” aniya.
Matapos ang kanilang coffee date ay dumeretso ang dalawa sa isang lugawan at do’n na tinapos ang kanilang simpleng Valentine’s Day celebration.
Watch the full vlog below:
Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…
Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…
Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…
Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…
Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…
The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…
This website uses cookies.