Categories: SALE & PROMOTIONS

Saan Aabot ang 1K mo sa VIYLine Pop Store?

Alam n’yo ba na maari kayong mag-uwi ng samu’t saring VIYLine products sa halagang isang libo kapag dumayo kayo sa kauna-unahang VIYLine Pop Store sa Robinsons Galleria South sa San Pedro City, Laguna?

Ano-ano nga ba ang mga swak sa budget na VIYLine products ang mabibili niyo sa VIYLine Pop Store?

Unlimited choices

Matatagpuan sa VIYLine Pop Store ang kumpletong produkto mula sa VIYLine Group of Companies gaya ng VIYLine Skincare, VIYLine Cosmetics,  IVY’s Feminity, Team Payaman Kids, Team Payaman Fair Merch, at King Sisig in a Jar. 

Mabibili rin dito ang mga mga dekalidad na produkto ng ibang Team Payaman members gaya ng Clothing, Giyang, MuyVien, Curva, at Yiva.

Pero pasok naman ba sa budget ang mga bilihin dito? Samahan ang VIYLine Media Group (VMG) at bibigyan namin kayo ng sulit na shopping list sa halatang P1,000.

King Sisig in a Jar – Php 265

Kung hanap mo ay masarap na ka-partner ng iyong ulam, sa halagang Php 265 lang ay solve na sa Lechon Sisig Bagoong ng King Sisig in a Jar.  Mabibili rin sa VIYLine Pop Store ang iba pang flavor ng King Sisig in a Jar gaya ng Pork Barbecue Sisig at Lechon Sisig sa napaka murang halaga.

Yiva – Php 150

Kung masarap na meryenda naman ang nais mo, makakabili ka ng isang Lasagna o Bibingka mula sa YIVA sa halagang Php 150. Maari mo ring samantalahin ang kanilang promo na Buy 2 for Php 280 para matikman ang Lasagna at Bibingka na ang nakababatang kapatid ni Viy Cortez na si Yiv mismo ang nagluto. 

TP Kids – Starts at Php 35

Para naman sa mga mommies na naghahanap ng sulit na educational toys at learning materials para sa kanilang chikiting, napakaraming pwedeng pagpilian sa TP Kids, mula coloring books, activity books, story books at marami pang iba. 

Sa halagang Php 35 hanggang Php 75 ay makakabili ka na ng crossword puzzles o mathematical problem solving books na tiyak na makakatulong sa kaalaman ng inyong mga anak. 

VIYLine Skincare Herbal Soap – Php 139

Pang buong pamilyang sabon naman ang hatid ng bagong herbal soap ng VIYLine Skincare. Sa halagang Php 139 ay makakabili ka na kahit anong variant ng herbal soap gaya ng Mestisa, Pag-Ibig, o Kalinisan, na mayroon ng tatlong sabon sa loob ng isang pakete. Sulit na sulit!

VIYLine Cosmetics – Starts at Php 100

Para naman sa mga kikay na naghahanap ng mura pero dekalikad na makeup products, mabibili mo yan sa VIYLine Cosmetics booth sa VIYLine Pop Store! Mayroong lip tints, 3-in-1 lipstick, eyeshadow, powder, foundation, eyebrow pencil na siguradong budget-friendly. 

Team Payaman Goodies – Starts at Php 139

Present din sa VIYLine Pop Store ang ilang Team Payaman merch gaya ng Cong Clothing kung saan makakabili ka ng sticker pack sa halagang Php 139. Nandyan din ang Team Payaman Fair merch na may TP Fair memorabilias na mabibili mula sa halagang Php 100. 

See you there!

Maliit man o malaki ang budget mo, siguradong mag eenjoy ka sa kakaibang shopping experience na hatid ng VIYLine Pop Store. Kaya ano pang hinihintay mo? Kita-kits sa Robinsons Galleria South hanggang Marcch 2, 2024!

Watch the video here:

viyline.net

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

11 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

21 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

21 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

22 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

22 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.