How Viy Cortez Balances Life as a Fiance, Mom, Vlogger, and Entrepreneur?

Sa kanyang bagong YouTube vlog, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez kung paano n’ya binabalanse ang pagiging soon-to-be misis ni Cong TV, hands-on mom kay Kidlat,  pagiging vlogger at CEO ng sariling kumpanyang VIYLine Group of Companies.  

A week in a working mom’s life

Ipinasilip ni Viy ang mga normal na kaganapan sa kanyang buhay bilang isang working mom sa loob ng isang linggo. 

Ito ay nagsimula sa paghahanda para sa isang photoshoot at video content shoot ng kanyang pamilya para sa kanilang kauna-unahang cover story sa February 2024 issue ng Smart Parenting

Pagsapit ng Martes, ang Team Payaman power couple ay napasabak naman sa music video shoot para sa bagong single ni Zack Tabudlo na pinamagatang “Pulso.” Ang nasabing MV ay pumalo na ng 500K views at kasalukuyang #12 Trending for Music sa YouTube.

Ang linggo ni Viy ay binuo rin ng sunod-sunod na meeting para sa kanyang negosyo gaya ng paghahanda para sa kauna-unahan  Viyline Pop Store; meeting kasama ang partner brands gaya ng Uratex; at iba pang surpresa na dapat abangan.

Ngunit kahit busy sa trabaho, makikitang hindi pa rin nawawalan ng oras ang ulirang ina para sa kanyang unico hijo sa pamamagitan ng simpleng video call update.

Natapos ang produktibong linggo ni Viy sa isang well-deserved weekend getaway kasama ang mag-ama at ilan n’ya pang mga kaibigan sa Batangas. 

Inulan naman ang nasabing vlog ng mga papuring komento mula sa mga netizen at Team Payaman supporters. 

Para sa kanila, nagsisilbing inspirasyon ang pagbabalanse ni Viy ng iba’t ibang responsibilidad sa buhay.

@bretheartgregorio1886: “Ganda ng transition ng bawat araw. Nakaka tuwa na pinakita nyo yung 1 week activity with Viy. Sobrang productive nakaka inspire na maging productive din. Thank you and Paawer sayo Ms. Viy sa Channel mo at sa family mo.” 

@seve1269: “Quality!!!!!! Isa to sa pinapangarap ng lahat. Whole week grind and weekend getaway reward sa ginawa mo buong linggo. Manifesting sa magiging pamilya ko”

Watch the full vlog below:

viyline.net

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

1 day ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

2 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

2 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

2 days ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

3 days ago

This website uses cookies.