Vien Iligan-Velasquez Finally Reveals Rhinoplasty Journey; Netizens Applaud Her Transformation

Dalawang taon matapos payagan ni Junnie Boy ang asawa nitong si Vien Iligan-Velasquez sa nais nitong sumailalim sa rhinoplasty procedure, ay tuluyan nang natupad ang pangarap ni Mommy Vien na mapatangos ang kanyang ilong. 

Alamin ang naging proseso bago at matapos ang pinapangarap na Rhinoplasty Surgery ni Vien Iligan-Velasquez.

The Journey

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng 27-anyos na Team Payaman vlogger ang mga tagpo sa likod ng kanyang nose job at chin augmentation procedures.

February 14 taong 2022, matatandaang matamis na “Oo” ang buong-pusong ibinigay ni Junnie Boy sa kanyang misis bilang Valentine’s Day gift. Ang nasabing “oo” ay ang pagpayag ni Junnie sa pangarap na beauty enhancement ng kanyang miss.

Bago pa sumalang sa operasyon ay hindi na maitago ni Vien at ni Junnie ang nararamdamang pagkasabik at kaba.

“Masaya ako kasi ito ‘yung gustong gusto kong gawin matagal na” kwento ni Vien.

Para naman kay Junnie: “Kinakabahan ako, pre. Feeling ko ‘yung pagka-ano [opera], para akong nambababae kasi iba na ‘yung hitsura [ni Vien].”

Bagamat kinakabahan, hindi pa rin ito nawala sa tabi ng kanyang misis at sinamahan ito sa lahat ng kanyang pagdadaanan bago at pagkatapos ng operasyon.

Matapos ang operasyon, hands-on daddy pa rin si Junnie sa kanyang asawa pagdating sa pagligo, at pag-alalay sa kanyang mga kailangang gawin.

Ibinahagi rin ni Vien na sa loob ng unang anim na araw ay tinitiis nitong hindi masyado kumain dala ng hirap sa pag nguya dahil sa kanyang chin implant.

Nose Reveal

Bagamat maga pa ang kanyang ilong, hindi napigilan ng mom-of-two na si Vien na ipasilip ang kanyang bagong ilong dalawang linggo matapos ang kanyang operasyon.

Laking pasasalamat nito dahil hindi naisip ng kanyang mga anak na sina Mavi at Viela na matakot sa kanyang post-operation look.

“Si Mavi, aware s’ya sa nangyari sa akin. Nahahawak-hawakan ko pa naman si Viela.” 

“Ang tangos tangos ko! Ang tulis!” ani Vien.

Hindi rin napigilan na Vien na ibahagi ang saya matapos maisakatuparan ang matagal na nitong pinapangarap na patangusin ang kanyang ilong.

Nagbahagi naman ng ilang payo si Vien sa mga nagnanais na sumailalim sa rhinoplasty procedure.

“Sa mga magpapa-rhinoplasty d’yan, kailangan physically, mentally, and financially prepared ka kasi kailangan mo ‘yun lalo na ‘yung financially.” 

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

16 hours ago

Yiv Cortez Wows Netizens with Her Rendition of ‘Ligaw Tingin’

Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…

16 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

4 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

4 days ago

Netizens Applaud Isla Patriel Gaspar’s Early Household Skills

Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…

4 days ago

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

5 days ago

This website uses cookies.