Kevin Hufana Reveals How Team Payaman Helped Changed His Life

Tampok sa bagong episode ng “Kwentuhan sa Veranda” ni Pat Velasquez-Gaspar ang kwento ng rising TikTok star ng Team Payaman na si Kevin Hufana.

Alamin kung paano nga ba ito napabilang sa patuloy na lumalaking grupo ng Team Payaman at ang sikreto nito sa kanyang misyon na makapagtapos ng pag-aaral.

Keboy’s Payaman Backstory

Sa bagong vlog ni Pat Velasquez-Gaspar, inimbitahan nito ang kapwa Team Payaman member na si Kevin Hufana a.k.a Keboy, na ngayon ay nagsisilbi ring executive assistant ni Cong TV. 

Una nang isiniwalat ng magkaibigang Pat at Kevin ang rason kung paano nga ba napabilang si Keboy sa biggest vlogger group ng bansa.

“Magkababata po kami ng mga [miyembro] ng Team Payaman. Tapos we’ve been friends since late 2000s na, sobrang tagal na!” bungad ng 31-anyos na content creator.

Ibinida rin ni Keboy na nagsimulang lumalim ang kanilang pagkakaibigan nang magsama-sama ito sa mga aktibidad ng Youth for Christ, na kanila na ring itinuturing na ikalawang pamilya.

Taong 2020 naman nang magsimulang tumira si Kevin sa Payamansion 2 habang nagta-trabaho bilang call center agent.

“Sa sobrang ayaw ka namin umalis, inabot ka na ng 2 months [sa pagtira sa Payamansion]!” biro ni Pat.

Dito na binigyan ng oportunidad ni Cong TV si Kevin na maging kanyang secretary, na ngayo’y inabot na ng mahigit sa dalawang taon.

Determination

Bukod sa pagiging personal secretary ni Cong TV, isa ngayon sa pinagkakaabalahan ni Kevin ay ang muli nitong pagbabalik sa pag-aaral sa edad na 31. 

Halos walong taon ang itinigil niya sa pag-aaral dala sa hirap ng buhay at hirap pagsabayin ang trabaho at pag-aaral.

Bagamat mayroon nang permanenteng trabaho sa Team Payaman, hindi pa rin ito naging hadlang para kay Kevin na abutin ang kanyang pangarap.

“Siguro kasi factor dito ‘yung pandemic eh, dun natin na-realize na ang bilis ng panahon kaya bumalik ako sa school,” aniya.

Dagdag pa nito: “Part s’ya ng insecurity ko, ‘yung walang degree, though alam ko kasi na I’m capable of doing great things.” 

Ibinida din nito na ang Team Payaman ang naging susi sa patuloy na pag-abot ng kanyang pangarap na makapagtapos.

Laking pasasalamat ni Keboy sa grupo dahil sa naitulong ng mga ito hindi lang pagdating sa pagta-trabaho, kundi pati na sa kanyang buong pagkatao.

“Parang nung nasali ako sa Team Payaman, hindi ko nafi-feel na nagwo-work ako kasi nga surrounded ako sa people na I love so much!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline MSME Caravan Pops Up at SM City Cabanatuan with Local Entrepreneurs

In its mission to support and celebrate local businesses, the Viyline MSME Caravan, in partnership…

5 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Shares a Heartfelt Take on Unexpected Friendships

Sa ika-apat na episode ng kanyang YouTube vlog series na “Kumusta,” ibinahagi ng Team Payaman…

5 hours ago

Junnie Boy Gets Hooked on Pickleball with Team Payaman

Bukod sa paglalaro ng basketball at online games, isa na rin ang pickleball sa mga…

1 day ago

The Third Wave of the Team Payaman Cap Is Coming to Life, Cong Clothing Confirms

It’s confirmed — the third wave of the well-loved Team PYMN Cap from Cong Clothing…

3 days ago

Get First Dibs on Cong Clothing’s Limited Edition ‘Aura Revival Collection’

A month ago, Cong TV’s very own clothing brand, Cong Clothing, released its newest shirt…

3 days ago

Sizzling-Hot IG Poses We’re Loving from TP’s Recent Visayas Trip

Kamakailan lang ay lumipad pa Bohol at Siquijor ang ilang Team Payaman members para sa…

3 days ago

This website uses cookies.