5 Times Kevin and Abigail Hermosada Made Relatable Married Couple Scenarios on TikTok

Higit isang taon matapos pormal na maging Mr. at Mrs. Hermosada, relate na relate ang netizens sa buhay na mag-asawa nina Kevin at Abigail Hermosada ng Team Payaman. 

Balikan natin ang lima sa top trending husband and wife TikTok skits nina Kevin at Abby na talaga namang nagpatawa sa netizens, lalo na sa katulad nilang newly weds.

First-to-report scenario

Pumalo ng 1 million TikTok views ang eksena nina Kevin at Abby kung saan nagkunwaring umuwi si misis sa kanyang pamilya upang magsumbong ng tila away mag-asawa.

Ngunit ikinagulat na lang nitong nauna na palang nakapagsumbong ang kanyang mister na tila dinadamayan na buong pamilya.

Relate much naman ang netizens at ibinahagi kung paano sila kinakampihan ng mga biyenan at kapatid ng kanilang asawa. 

Right time, right moment

Mga mister, naranasan niyo na bang utusan ni misis kahit kaka-bwelo mo palang ng pahinga? Ganyan na ganyan ang inilarawan nina Kevin Hermosada at Abigail Hermosada sa isang TikTok entry na ngayon ay mayroon nang higit 761K views. 

Ang ganitong klaseng eksena ay talaga namang nararanasan hindi lang ng mga mag-asawa, kundi pati na rin ng magkakapatid. Kahit anong paghahanda ang gawin, talagang sakto ang pag-uutos sa mga oras na hindi mo na gustong gumalaw. 

Don’t help if not needed

Tungkol naman sa kusang pagtulong sa misis ang skit nina Kevin at Abby na umabot ng 383K views. Dito makikita ang pagsubok ni Kevin na tulungan ang misis sa paglalaba, subalit sermon lang ang inabot nito dahil tila pamali-mali ang kanyang ginagawa.

Acts of service

Tunay na kilig to the bones naman kapag acts of service ang love language n’yong mag-asawa. ‘Yung tipong kahit magkaaway, handa pa rin kayong pagsilbihan ang isa’t-isa kahit sa simpleng paraan.

Ito ang ipinamalas nina Kevin at Abby sa TikTok skit nilang umabot ng 113K views, kung saan kahit hindi nagpapansinan ay talagang bukal sa loob ang pag aasikaso nila sa isa’t isa.

I’ll get back to you later

Napasabak naman sa spoken poetry si Abby noong sinagot na naman siya ng “mamaya” ng asawang si Kevin matapos n’ya ito pakiusapan.

“Sa katunayan, kaka-mamaya mo, ‘yung mga hugasin at plato, e ‘yung mga aso na ang gumawa, ng dapat na ginawa mo,” bigkas ni Abby.

At dahil epektibo naman ang tula ni misis, ame na game ang netizens na gamitin din ito sa kanilang mga asawa. 

Kath Regio

Recent Posts

Team Cortez-Velasquez Welcomes Tokyo Athena To The Family

Baby Tokyo Athena is finally here! March 30, 2025, sa ganap na 1:00 ng hapon,…

13 hours ago

Achieve Clean Girl Makeup The Vien Iligan-Velasquez Way

Isa ngayon ang Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez sa mga hinahangaan ng netizens…

2 days ago

Summer-Ready Shades: Get That Sun-Kissed Glow with Viyline Cosmetics TP Tints

The summer season is here, and you know what that means—long days under the sun,…

2 days ago

Know How Las Piñas Beybladers X Reimagines Beyblading in 2025

Kamakailan, naging matagumpay ang kauna-unahang ‘Talpukan Tournament’ ng Las Piñas Beybladers X sa Robinsons Las…

3 days ago

Viy Cortez Velasquez Humbly Addresses Concerns About Viyline Skincare ‘Sunshade’

A few hours after its release in the market, Viyline Skincare Sunshade, a tinted sunscreen,…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Champions Confidence Amidst Battle with Hormonal Acne

Aside from the intense heat and sweat the summer season brings, it also sets the…

4 days ago

This website uses cookies.