Inimbita ng Team Payaman vlogger na si Michael Magnata, a.k.a. Mentos, ang kanyang bagong kasintahan at ang pamilya nito para sa ikalawang episode ng “MenThoughts Medyo Podcast” sa kanyang YouTube channel.
Alamin kung ano nga ba ang naging first impression sa kanya ng pamilya habang siya ay nanliligaw noon kay Pham Castrodes.
Usapang first impression ang naging paksa ng segment ni Mentos kung saan inilarawan siya ng pamilya Castrodes bilang mabait at mabuting tao.
Hindi rin sumagi sa pamilya Castrodes ang imahe ng pagiging babaero ni Mentos dahil sa ipinamalas nitong angking kabutihan sa kanila at sa kanilang bunso.
Para sa kapatid ni Pham, bagamat maituturing na isang public figure si Mentos ay panatag pa rin ang kanilang loob dahil mas mababantayan anila ang galaw ng kanilang bunsong kapatid.
Sa Team Payaman Fair din unang ipinakilala ni Mentos ang kasintahan sa iba pang TP members na aniya ay ikinagulat naman nila sapagkat hindi n’ya pa rin ito nababanggit noon.
Kwento ni Mentos, ang pagkawala ng presensya ng kanyang mga magulang ang nakatulong upang mas maging madali ang pagharap niya sa mga magulang ni Pham.
Nagustuhan naman ng pamilya Castrodes ang pagkakaroon ng lakas ng loob ni Mentos upang ipresenta ang sarili sa kanila.
Payo rin ni Mentos para sa mga kalalakihan na balak umakyat ng ligaw na huwag matakot humarap sa pamilya ng nililigawan.
Para kay Mentos, napakalaking bagay na may tapang humarap at hindi lang sa chat nagaganap ang ligawan lalo sa henerasyon ngayon.
“Doon nyo malalaman na talagang kaya kayong panindigan,” ani Mentos.
Bagamat natigil ng halos isang buwan ang pag-uusap ng dalawa, ang kagitingan at tiyaga ni Mentos ang naging motibasyon din ni Pham upang maiwasan ang ilangan at maging kampante sa isa’t isa upang magtuloy-tuloy pa ang kanilang nabuong relasyon.
“‘Yan ‘yata ang tinatawag nilang ‘soulmate’,” sabi ni Mentos.
Watch the full vlog here:
Kakaibang Halloween special ang ibinahagi ng Team Payaman squad sa bagong vlog ni Clouie Dims. …
This article is sponsored by Salveo Barley Grass. There are a few more weeks to…
Dalawang taon na ang nakalipas mula noong ipinanganak ng Team Payaman power couple na sina…
Hindi na maitatanggi na punong-puno ng saya at pagmamahal ang Pamilya Cortez-Velasquez. Naririto ang ilan…
Matapos ang home-schooling kasama ang ibang Team Payaman kids, sasabak naman ngayon si Kidlat sa…
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Feast of Our Lady of the Rosary tuwing Oktubre, isinasagawa…
This website uses cookies.