Level-up ang pagsalubong ng Chinese New Year ni Dudut Lang dahil ngayong taon, isang kakaibang adventure ang hatid nito sa kanyang mga manonood.
Bukod sa pagkain ng Tikoy at Binondo food trip, sinubukan ni Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang, ang pagda-dragon dance kasama ang Philippine Chinese Golden Tiger.
Sa kanyang bagong vlog kasama si Carlos Magnata, a.k.a Bok, isinama ni Dudut Lang ang kanyang mga manonood sa pagsasanay para sa kanilang Chinese New Year Dance Performance na ginanap sa Ayala Avenue, Makati.
Pinaniniwalaan ng mga Chinese at ilang mga Pinoy na nagdadala ng swerte ang Dragon Dance sa pagsalubong ng Chinese New Year.
Kasama nina Dudut at Bok ang grupo ng Philippine Chinese Golden Tiger na kilala sa kanilang talento sa pagda-dragon dance, na minsan nang nagkaroon ng TV appearance sa isang kilalang noon-time show.
“Akala ko ‘yung ganap ko dito magluluto lang ng Tikoy eh, ‘yun pala dragon dancer pala?” biro ni Bok.
Maya-maya pa’y nagsimula nang mag ensayo ang grupo para sa kanilang magiging dance performance.
Bukod sa pagsayaw ay inaral din ng mga ito ang tamang pagtatambol na s’yang susundan na tunog ng mga mananayaw.
Kinabukasan, game na game na nakiisa sina Dudut sa pagsalubong sa Chinese New Year at agad na itong naghanda para sa kanilang performance.
Buong sigla itong nakisayaw at nakisaya sa inihandang Dragon Dance performance ng kanilang grupo.
Kaliwa’t kanan ang mga taga-suportang kumuha ng litrato kasama si Dudut, at nakisaya nang pasukin ng kanilang grupo ang isang gusali upang magpa-ulan ng swerte.
Matapos sumayaw, sunod namang sinubukan ni Dudut ang pagiging Master Dragon Mascot na talaga namang ikinatuwa ng mga manonood.
Laking gulat ng mga manonood nang malamang si Dudut pala ang nasa likod ng maliksi at masigasig na Dragon Master Mascot.
Watch the full vlog below:
Isang masayang food adventure sa Vietnam ang ipinasilip ni Clouie Dims kasama ang kapwa Team…
Matapos ang tatlong taon ng matagumpay na pagdadaos ng Team Payaman Fair sa Metro Manila,…
The Cortez-Ragos family, better known as the RaCo Squad, happily celebrated their little princess, Samantha…
Disclaimer: This article may contain triggering content on depression and suicide and is intended for…
Talaga namang ‘living the pinterest dream’ ang vibe na hatid ng Team Payaman momma na…
It’s that time of the month again, where Viyline MSME Caravan takes everyone’s shopping experience…
This website uses cookies.