Kung katatawanan ang hanap mo, aba sagot na ni Viviys ang everyday dose of laughter mula sa kanyang nakakatuwang Facebook reel challenges!
Balikan ang tatlo sa mga top trending Facebook reel challenges ni Viy Cortez kasama ang Team Payaman na talaga namang magbibigay sa’yo ng good vibes!
Pumalo ng 18 million Facebook views ang Tagalog to English Word challenge ni Viy Cortez, kung saan nag-tagisan ng galing sa bokabularyo ang Team Payaman.
Ang hamong ito ay may kalakip na papremyong P200 kada tamang sagot, na s’yang napakyaw ng Team Payaman head na si Cong TV.
“Galing sumagot ni Cong TV!”
“Cong TV lang sakalam [malakas]!” komento ng ilan.
Kung mayroong Tagalog to English translation, mayroon ding hamon sa pagsalin ng mga salitang Ingles sa Wikang Filipino si Viviys na ngayon ay mayroon ng 7M views sa Facebook.
Ang mga salitang Ingles gaya ng Science, Gratitude, Daybreak at iba pa sinubukang isalin sa Wikang Filipino, na siya namang napagtagumpayan nina Tita Krissy Achino, Pat Velasquez-Gaspar, Clouie Dims at pang iba.
Bago ang Valentine’s Day, isa sa mga ikinatuwa ng netizens ay ang “I Love You” Challenge ni Viy Cortez sa Team Payaman.
Ang hamong ito ay naglalayong mabigyan ng papremyo ang mga kalahok kung makakarinig sila ng mga katagang “I love you too” mula sa kanilang mga napiling tawagan. Ngunit maari lang nilang tawagan ang sinoman maliban sa kanilang nobyo at nobya o asawa.
Nagtagumpay naman ang ilan sa mga kalahok na makarinig ng “I love you too” at nakapag-uwi ng P200!
Tumutok lang sa official Facebook page ni Viy Cortez para sa ilan pang mga nakakatuwang Facebook challenges kasama ang Team Payaman!
Malay mo, ikaw na ang susunod na mabigyan ng papremyo! Abangan!
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…
This website uses cookies.