Team Payaman’s Pat and Keng Prove Date Nights Matter For New Parents

Hindi lang tuwing Valentine’s Day dapat ipakita ang pagmamahal mo sa isang tao, kundi araw-araw, at ‘yan ang pinatunayan ng mag-asawang Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar.

Alamin kung paano nga ba magkakaroon ng masaya at hindi malilimutang date night ang mag-asawa at first-time parents gaya nina Boss Keng at Pat!

Small Celebrations

Matatandaang kamakailan lang ay ipinagdiwang ng mag-asawang Boss Keng at Pat ang kanilang monthsary kahit pa sila ay kasal na. 

Para sa kanilang monthsary ngayong Pebrero, ibinahagi ni Boss Keng sa kanyang vlog ang naging simpleng selebrasyon nila ni Mrs. Gaspar. 

Isa sa hindi mawawala sa kanilang date night ay ang kwentuhang mag-asawa tungkol sa panganay nilang Isla Patriel, a.k.a Baby Isla, na ngayon ay pitong buwan na.

“Nakakapagod s’ya [mag-alaga ng bata], pero pagod na masarap,” kwento ni Mommy Pat.

Dinala ni Boss Keng ang kanyang misis sa isang restaruant na hindi pa nasusubukan ni Pat, dahilan upang lalo nitong ikatuwa ang kanilang date night.

Babe Time

Dahil kilala na si Boss Keng sa paghahanda ng surpresa para sa kanyang misis, minabuti ni Pat na bumawi sa kanyang mister ngayong Valentine’s Day. 

Ipinasilip ng first-time mom sa kanyang bagong vlog ang pagyaya niya kay Boss Keng sa isang masayang Valentine’s Date.

Ani Pat, nais niyang bumawi sa mga surpresa ni Boss Keng sa kanilang nagdaang mga selebrasyon. 

Hindi pumayag si Pat na simple lang ang kanilang selebrasyon, kaya naman nilagyan n’ya ito ng twist at pinabunot ng papel si Boss Keng na magdidikta ng kanilang Valentine’s Date.

Habang kumakain, muling binalikan ng dalawa ang ilan sa kanilang mga masasayang alaala kagaya na lang ng pagdiriwang ng kaarawan ni Pat.

“Mayroon akong isang date natin na hindi ko talaga makakalimutan, yung birthday ko, tas nag-cutting ka [sa school],” kwento ni Pat.

Hindi rin pinalampas ni Boss Keng na surpresahin ng isang sakong bigas at diaper supply ni Isla ang kanyang misis dahilan upang mas lalo itong matuwa.

“Taray! May pa-diaper at bigas! Very practical!” biro ni Pat.

Tinapos ng dalawa ang kanilang date night sa isang masayang KTV bonding. 

Watch the vlogs below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

1 day ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

2 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

2 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

2 days ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

3 days ago

This website uses cookies.