WOW: Veteran Actress Rita Avila is a Proud Team Payaman Fan

Nagpahayag ng kanyang suporta at paghanga sa Team Payaman ang batikang aktres at manunulat na si Rita Avila

Alamin kung paano nga ba nahumaling ang aktres sa lumalaking grupo ng Team Payaman.

“Ang Galing!”

Sa isang Facebook post, proud na ibinahagi ng Hearts on Ice star na si Rita Avila ang kanyang  hilig sa panonood ng mga YouTube vlogs ng Team Payaman.

Ayon sa aktres, ipinakilala sa kanya ng kanyang anak sina Cong TV, fiancé nitong si Viy Cortez, at ilan pang Team Payaman members.

“Pinakilala sa akin ng anak ko ang lagi nyang pinapanood na vlogs nina Cong, Viy, Junnie, Vien, Pat, Keng at ang buong gang,” ayon sa aktres.

“Tuwang-tuwa siya sa kabutihan nila, sa tibay ng pagkakaibigan, sa mga katatawanan, sa ganda ng mga goals, at kasimplehan pa rin kahit mga yayamanin na,” dagdag pa nito.

Aniya, hanga siya sa tibay ng pagsasamahan hindi lang ng pamilya, kundi pati na rin ng buong Team Payaman.

Hindi rin nitong napigilang kiligin sa tamis ng pagmamahalan ng Team Payaman power couples na sina CongTV  at Viy Cortez, Junnie Boy at Vien Velasquez, at Pat Gaspar at Boss Keng.

Gratitude from Cong TV

Nang makarating sa Team Payaman headmaster na si Cong TV ang naturang Facebook post, hindi ito nagdalawang isip na pasalamatan ang aktres sa suportang natanggap.

“Thank you Ma’am Rita Avila!!” komento ni Cong.

Sagot naman ng aktres na certified Team Payaman fan” “Cooooong! Kilala mo akooo! Kasi si Alex hindi mo kilala. Hahaha! Syempre niloloko mo lang s’ya.”

“Ang galing mo. Ang galing ng samahan nyo ng asawa mo at ng grupo mo. Keep up the good work and inspiration. Sana dumami ang mga katulad ninyo!”

Hindi rin napigilang mag-komento ang mga netizens na sang-ayon sa naging sentimento ng aktres tungkol sa Team Payaman.

Lawrence Caporas: “Solid po yan [ang Team Payaman]!!”

Elisamariequintao B. Biolangco: “Ang ganda din kasi talaga panoorin ang mga vlogs nila Ms. Rita Avila at tsaka nakakainlove silang dalawa [Cong at Viy]”

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

11 hours ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

1 day ago

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

4 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

5 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

5 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

5 days ago

This website uses cookies.