Philippines’ Top Stand-Up Comedians Invite Cong TV to Their Open Mic Session

Kamakailan lang, inamin ni Cong TV na mayroong isang bagay na matagal na niyang nais subukan at ito ay ang stand up comedy. 

Tila matutupad ni Cong ang pangarap na ito matapos siyang imbitahin mismo ng ilan sa mga tinitingalan stand up comedian sa bansa. Ito na nga kaya ang simula ng stand up comedian era ng legendary YouTube vlogger na si Cong TV?

Team Payaman Unfair

Sa isang vlog unang ibinahagi ni Cong ang kagustuhan niyang sumubok ng isang bagay na hindi pa niya nagagawa noon. 

“Meron akong for the first time in my life gusto kong i-try na bagay. Gusto kong mag stand up comedy,” bungad ng 31-anyos na vlogger. 

Aminado si Cong na mukha lang madali ang pagpapatawa ngunit mahirap ito, lalo na para sa kanya na mahiyain sa personal.

Meron na aniya siyang materyal o script na naisulat at plano itong subukan sa harap ng Team Payaman Fair audience. Dito unang binitawan ni Cong ang kanyang unang materyal tungkol sa mga magnanakaw sa TP Fair.   

“Shout out natin yung magnanakaw baka nandito ulit yon. Boss, nasaan ka? Baka nandito ka ulit ha?” ani Cong noong TP Fair Day 1 sa SMX Convention Center Manila. 

“Baka mamaya grupo na pala sila noh? Team Payaman. Tapos magugulat ka may event na rin sila, Team Payaman Unfair,” dagdag pa nito na siya namang tinawanan ng TP Fair attendees.

Kinagabihan ay mas lumakas ang loob ni Cong nang makakita ng mga komento sa isang TikTok video kung saan tuwang-tuwa sa kanyang binitawang joke. 

Open Mic Session

Samantala, ikinatuwa naman ng ilang batikang stand up comedian ang nasabing vlog ni Cong TV. Sa isang episode ng The Koolpals podcast na pinangungunahan nga mga stand up comedian na sina GB Labrador, Nonong Ballinan, James Caraan, Muman Reyes, at Ryan Rems, ibinahagi nila ang kanilang naging reaksyon sa kagustuhan ni Cong na subukan ang stand up comedy.  

“Nung nakita ko yun, kinilabutan ako,” ani James Caraan.

Dagdag pa ni GB Labrador: “Nagulat ako na gusto nyang mag standup [comedy], tapos napakita yung iba’t-ibang mga comedians, nakasama nga tayo, nakakatuwa.”

Kaya naman, buong puso nilang inimbita si Cong TV na dumalo sa kanilang mga open mic comedy session.

Ang open mic comedy session ay bukas sa mga nagnanais sumubok maging stand up comedian, kung saan maari silang manood lang at obserbahan ang batuhan ng joke, o di kaya ay sumabak sa entablado nang walang halong diskriminasyon. 

Ikinatuwa rin ng mga batikang komedyante ang magandang mensahe ng vlog ni Cong kung saan ipinarating nito ang kanyang respeto sa mga stand up comedians. 

Kath Regio

Recent Posts

Introducing The Newest VIYLine Cosmetics’ Lip Slay Shades For Everyday Wear

Ever since its release, VIYLine Cosmetics Lip Slay has received the love it deserves from…

2 days ago

Malupiton and Long-Time Girlfriend Are Now Engaged

Sa likod ng tagumpay na nakamit ng social media star na si Malupiton ay ang…

2 days ago

Nobody’s Tough Like Mama: Tough Mama, The Appliance Brand Built to Last

Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…

3 days ago

Aki Angulo-Macacua Shares Journey to Achieving Stunning Wedding Dress

Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…

3 days ago

Here’s Why You Should Partner With Grentek Solutions For Your Next Big Events

In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…

4 days ago

Nourish Your Little Ones With ‘Luxe Kids’ by Luxe Beauty and Wellness

Having a healthy lifestyle doesn’t just start with adults alone; even kids can now embark…

4 days ago

This website uses cookies.