3 Times Makeup Artist Mariah Santos Slayed Viy Cortez’s Glam Looks

Hindi lingid sa kaalaman ng iba na tiwala na ang YouTube vlogger na si Viy Cortez sa batikang makeup na si Mariah Santos pagdating sa kanyang pangmalakasang makeup looks.

Hatid ng VIYLine Media Group (VMG) ang tatlo sa mga hindi matatawarang glam looks ni Viviys na talaga nagpa-wow sa kanyang mga taga-suporta!

TikTok Awards 2023

Sa TikTok Awards Night 2023 noong Setyembre ng nakaraang taon, umani ng papuri ang TikTok Shop Brand Owner of the Year na si Viy Cortez nang ibida nito ang kanyang modern Filipiniana look.

Bukod sa kanyang makabagong kasuotan, isa rin sa hindi pinalampas ng netizens ay ang pagbati sa kanyang kakaibang awra dala ng kanyang strawberry-inspired makeup look na gawa ng nag-iisang celebrity makeup artist na si Mariah Santos.

Team Payaman Fair

Para naman sa ika-tatlong araw ng Team Payaman Fair, achieve na achieve ng tambalang Viy at Mariah ang clean girl vibe makeup. 

Simple man ang kanyang pananamit, bawing bawi naman ang simple yet glam makeup look ni Viviys na game na game na nakipag selfie sa mga fans noong TP Fair Day 3. 

KPop-inspired

Korean Unnie-inspired makeup look naman ang ibinahagi ni Mariah Santos sa kanyang recent Instagram update para sa latest project shoot ni Viy Cortez. 

Abangan ang pinakabagong proyektong niluluto ni Viy Cortez ngayong taon kasama ang fiancé nitong si Cong TV

Samantala, bukod kay Mariah Santos, kaagapay nito ang hair stylist na si Arvin Santos, na pinagkakatiwalaan din ni Viviys pagdating sa kanyang hair styles.

Matatandaan na ang tandem na Mariah at Arvin Santos din ang nakasama nina Cong at Viy sa kanilang pre-wedding photoshoot sa Japan noong nakaraang taon.

More from the Trio

Abangan ang mga susunod pang mga makeup look ni Viviys, pati na rin ni Cong TV para sa kanilang mga paparating na proyekto.

Para sa mga interesadong masubukan ang kakaibang galing ng glam team ni Mariah Santos pagdating sa makeup at hair styling, maaari silang ma-contact sa mga sumusunod:

Contact number: +639565080362

Email: mariahsantos23@gmail.com 

Likes:
0 0
Views:
382
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *