P299 Engagement Ring? Cong TV and Viy Cortez Weighs the Importance of Expensive Engagement Ring 

Hatid ngayon ng content creator na si Jai Asuncion – isa sa malalapit na kaibigan ng Team Payaman, ang opinyon ng grupo ukol sa kontrobersyal na P299 engagement ring.

Alamin kung mahalaga nga ba sa YouTube power couple na sina Cong TV at Viy Cortez ang presyo ng singsing na simbolo ng kanilang pagmamahalan.

P299 Engagement Ring

Sa pinakabagong vlog ni Jai Asuncion, isa-isa niyang inusisa ang opinyon ng Team Payaman, partikular na sina Cong TV at Viy Cortez tungkol sa isyu ng P299 engagement ring.

Nagsimula ang naturang usapin nang pumutok sa social media ang isang anonymous post na dumulog kung ano ang dapat maramdaman sa natanggap na engagement ring na nagkakahalaga ng P299.

Nang tanungin ni Jai ang long-time girlfriend ni Cong TV na si Viy Cortez sa kanyang opinyon, walang pagdadalawang isip ito na sumagot.

“Kung nag-propose sa akin si Cong noong nagsisimula pa lang kami, okay ako don [sa murang engagement ring]. Pero kung ngayon, sana man lang gawin n’yang P1,500, alam mo ‘yun?” biro ni Viviys.

Dagdag pa nito na ang importante sa kanya ang katapatan ng isang tao, na kailanma’y hindi matutumbasan ng kahit anong halaga ng pera.

“Ngayon kasi nakikita ko kay Cong na kaya nyang manlibre ng mga kaibigan n’ya, kaya nya bumili ng motor n’ya, so sa part ko, paano ba ‘yung effort n’ya, paano n’ya sa akin mapapakita na keri n’ya akong bigyan ng [mamahaling singsing],” paliwanag ni Viy.

Sa kabilang banda, hiningi rin ni Jai ang komento ni Cong TV tungkol sa engagement ring issue.

“Baka nagiging praktikal lang ‘din ‘yung nagbigay ng P299 [na singsing] na ‘imbis gumastos ako dito, gastusin na lang namin sa honeymoon,” bungad nito.

Dagdag pa ni Cong: “Ngayon, at the end of the day, nasa preference pa rin ng tao kasi parang naglalaban [yung] love over money. Ano bang mas importante para sa’yo, ‘yung nirerepresenta nung singsing o ‘yung presyo ng singsing?”

Naniniwala ang Team Payaman founder na wala sa halaga ng singsing, kung hindi sa intensyon ng isang lalaki na mabigyan ng maganda at masayang buhay ang kanyang mapapangaswa. 

Nilinaw din ni Cong na isa sa mga rason kung bakit nito napiling bumili ng mamahaling singsing dahil para sa kanya ay “deserve” ito ni Viviys.

Sincere Sentiments

Inulan naman ng pagbati ang naging komento ng Team Payaman power couple pagdating sa nasabing kontrobersyal na usapin. 

@Rainpunzel: “Cong will always be the most understanding person na makakausap mo.”

@laneytv9592: “Iba talaga Team Payaman mag-isip. Lalo na si Cong.”

@miaandm.a4407: “Ang ganda ng example ni Cong tungkol sa 2 lalaki na may 1M vs. 10M. Tunay na dapat kapag pumasok ka sa kasal kaya mong panindigan.”

@chouling1723: “The best answer boss cong! From the perspective of someone who experienced ‘walang wala’ at ngayon ‘payaman.’ Without invalidating anyone’s opinion, yan ang magandang sagot.”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
604
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *