Di Ko Rin Alam: Kyo Quijano Releases New Song About Puppy Love

Hindi lang pang content creation, pang kantahan din! ‘Yan ang muling pinatunayan ng vlogger at social media personality na si Kyo Quijano matapos ilabas ang kanyang latest single entitled, “Di Ko Rin Alam.

Nitong Huwebes, February 1, 2024, ay pormal na ngang inilabas ni Kyo sa lahat ng music streaming platforms ang kanyang bagong pop song na talaga namang makaka-relate ang lahat. 

Kyo Artist Era

Kilala si Kyo Quijano sa larangan ng content creation dahil sa kanyang  entertainment, lifestyle, at travel vlogs. Patok na patok din sa netizens ang kanyang mga TikTok skits.

Pero hindi lingid sa kaalaman ng kanyang mga “Kyoties” na may itinatago ring talento sa pagkanta si Kyo. Taong 2020 nang ilabas nito ang kanyang unang kantang “Ipu-Ipo” na ginamit sa YouTube series na “Quaranthings.”

Isa rin si Kyo Quijano sa mga social media influencers na nakisaya sa una at ikalawang Team Payaman Fair. 

Nang tanungin ng VIYLine Media Group (VMG) kung ano ang inspiration sa likod ng kanyang latest single: “Di ko rin alam, joke!” biro ng batikang YouTuber. 

“The inspo of ‘Di Ko Rin Alam’ is that happy crush feeling. I think it’s a canon event para sa lahat lalo na nung nasa school tayo tapos may crush tayo na hanggang tingin lang tayo. I just want to reminisce that feeling,” paliwanag ni Kyo.

Ngayong 2024 ay plano rin daw ni Kyo na maglabas ng iba pang kanta at bukas din aniya siyang makipag collaborate sa ibang Filipino artist. 

“Yes! Actually with anyone na babagay yung boses ko din. Anyone from the P-pop industry or another queer artist.”

Congrats, Kyo!

Samantala, kaliwa’t-kanang suporta naman ang natanggap ni Kyo mula sa kanyang mga kaibigan at kapwa content creators gaya nina Luigi Pachecho, Concon Felix, Antonio Enriquez, at marami pang iba.

Mapapakinggan na ang “Di Ko Rin Alam” sa lahat ng online streaming platforms. 

Likes:
0 0
Views:
782
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *