Sa kauna-unahang pagkakataon ay sumabak sa free diving sa Batangas ang ilang Team Payaman members sa pangunguna ni Dudut Lang.
Alamin ang mga tagpo sa likod ng masayang free diving experience nina Dudut, Burong, Steve, Adam, at Cyrill.
Sa bagong vlog ni Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang, ipinasilip nito ang mga kaganapan sa kanilang unang free diving experience.
Dumeretso ang grupo nina Dudut, Burong, Steve, Adam, at editor nitong si Cyrill sa Batangas upang masubukan ang free diving sa tulong ni Coach Ed.
Matapos mag-almusal, game na game na sumalang ang Team Payaman sa diskusyon at paghahanda para sa kanilang free diving.
Una nang binalaan ni Coach Ed ang TP boys na aabutin ng 20ft ang kanilang sisisirin, pero game na game naman nilang tinanggap ang hamon.
Hindi nagkukulang si Coach Ed sa kanyang pagbabantay at pag-alalay sa grupo upang maiwasan ang anumang aksidente.
Napagtagumpayan naman ng mga ito na maisagawa ng maayos ang kanilang unang free diving experience.
Matapos ang kanilang pagsisid, isa-isang ibinahagi ng mga ito ang kanilang mga natutunan sa paglangoy kasama si Coach Ed.
Burong: “First time ko ginawa ‘yun eh. Kanina, lumubog na talaga ako.. [Yung] dock dive talaga ‘yung pinaka na-perfect ko.”
Steve: “Una kong naisip agad ‘yung fear ko, swimming in the middle of the ocean. At first, naka-mindset na sa akin na at least I have one check in the bucketlist.”
Adam: “Hinayaan ko ‘yung sarili ko na mag-trust sa coaches. Na-impress ako na kaya ko palang hawakan ‘yung bottom.”
Dudut: “Ang focus ko talaga kanina [ay] gawin ‘yung tama. Sobrang proud ako sa mga nagawa ko, sobrang proud ako sa nagawa ng mga kasama ko.”
Watch the full vlog below:
‘Team No Sleep’ pero full support! Ganito sinimulan nina Mommy Vien Iligan-Velasquez at ng buong…
The ‘ber’ months are here, and with Christmas just around the corner, it’s never too…
This year, the most anticipated influencer-gathering event of the year goes beyond the borders of…
Matapos ang kanilang masayang all-girls trip sa Bangkok, Thailand, isa sa mga hinangaan ng netizens…
It has been a silent tradition in the Philippines to treat the ‘Ber Months’ as…
Bilang pagdiriwang ng ika-33 kaarawan ni Boss Keng, ibinahagi ni Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang taos-pusong…
This website uses cookies.