Hindi na bago si Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy, sa mga endorsement shoot. Pero sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakaroon it ng solo TV commercial para sa isang paracetamol brand.
Sa kanyang bagong TikTok upload, ibinahagi ng 29-anyos na kapatid ni Cong TV ang ilang behind-the scenes sa kanyang first-ever TV commercial.
Game na game na sumabak sa photoshoot at aktingan ang Team Payaman vlogger na si Junnie Boy bilang bagong mukha ng Rexidol Forte.
“Bukas may shoot ako. First time ko gagawa ng sariling commercial,” bungad ni Junnie.
Nakasama rin ni Junnie Boy sa nasabing endorsement shoot ang mga kaibigan at kapwa Team Payaman members na sina Carding Magsino at driver nitong si Kuya Terio.
“Para sa sakit ng ulo na may kasabay na lagnat, sakit ng katawan, pwede ring dulot ng binat. Diskarteng Rexidol Forte na agad!” pag eensayo nito sa kanyang mga linya para sa nasabing commercial.
Mapapanood ang kabuuang kwento ng first endorsement shoot ni Junnie Boy sa kanyang YouTube channel sa Huwebes – February 1, 2024.
Watch Junnie’s TikTok reel below:
Kaliwa’t kanang pagbati naman ang natanggap ni Junnie Boy mula sa kanyang taga suporta na labis na ikinatuwa ang bagong blessing ng nasabing OG Team Payaman member.
“Congrats, Junnie Boy! Deserve!” pagbati ng isang netizen.
Dagdag naman ng isa: “Junnie is winning.”
Samantala, una nang ipinarating ng misis ni Junnie na si Vien Iligan-Velasquez ang pagbati nito sa bagong endorsement ng mister.
“Ang saya ko kasi magkaka-commercial na yung asawa ko,” ani Mommy Vien sa isang YouTube vlog.
“Hindi na siya cameo lang sa mga, alam mo yon. Hindi na siya parang sidekick lang, ngayon talaga siya na ang bida,” dagdag pa nito.
Watch Vien’s vlog below:
Isang nakakaantig na Christmas content ang hatid ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez,…
Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…
As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…
Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…
Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…
Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…
This website uses cookies.