Viy Cortez Opens up About 2024 Goals, Hate Comments, and More

Matapang na ibinahagi ni Viy Cortez ang kanyang mga plano para sa 2024 sa isang masayang Q&A mula sa kanyang pinaka bagong endorsement na Tough Mama Appliances.

Matatandaang bago pa matapos ang taong 2023, kinumpirma ng 27-anyos na YouTube vlogger at entrepreneur na kabilang na siya pamilya ng nasabing appliances brand, kung saan endorser din ang batikang aktres na si Marian Rivera.

New Year, New Goals

Sa bagong Facebook upload ng Tough Mama Appliances official Facebook page, ibinahagi ni Viy Cortez ang kanyang mga nakahandang plano para sa kasalukuyang taon.

Isa na nga rito ay ang ginagawa niyang paghahanda para sa nalalapit na kasal nila ng kanyang fiance na si Cong TV.

“Ang goal ko sa 2024 siyempre since ikakasal na kami ni Cong, sana mas maging payat pa ako,” ani Viviys.

“And siyempre ngayong nanay na ko, hindi na mawawala sa goal ko na sana mapalaki kong mabuti ang aking anak,” dagdag pa nito.

Dealing with Criticism

Matapang ring sinagot ni VIYLine CEO ang tanong kung paano niya hinaharap ang mga negatibong komento na natatanggap sa social media. 

“Negative comments, since negative siya hindi ko na lang siya binabasa.”

“‘Di ka naman perpekto, never kang magugustuhan ng lahat. So kahit anong gawin mo, meron at merong masasabi ang ibang tao. Mag focus ka na lang sa positive side.” 

Very Convenient

At bilang bagong mukha ng Tough Mama Appliances, ibinida rin ni Viy Cortez ang magaganda at kalidad na mga produkto nito, maging ang kanyang paboritong appliances mula sa Tough Mama.

“Dahil sa magagandang technology na meron ang Tough Mama, mas madali nang magluto.”

“Yung griller [ang paborito ko], dahil alam ng lahat na nanonood sa akin sa vlog ko na talagang mahilig pa rin akong mag samgyup.”

Sa nagdaang 2024 Kick Start Party ng Viyline Group of Companies,, samu’t-saring Tough Mama Appliances din ang ipinamigay ni Viviys para sa kanyang mga butihin at masisipag na empleyado.

“Siyempre, hindi ako magpapa-raffle ng hindi talaga maganda ang quality ng appliances.”

Claire Montero

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

1 day ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

1 day ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

3 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

3 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

3 days ago

This website uses cookies.