Viy Cortez Puts Toni Gonzaga in a Lie Detector Test Challenge

Binista ng Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga ang kumare nitong si Viy Cortez sa Congpound upang sumabak sa isang Lie Detector Test Challenge. 

Una nang humarap sa nasabing hamon ni Viy ang kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga kasama ang asawa nitong si Mikee Morada. 

Sa pagkakataong ito, si Toni naman ang nabuking at nagbahagi ng kanyang mga saloobin sa mga kontrobersyal na tanong.

Toni Talks = Toni Answers

Game na game na sinagot ni Toni Gonzaga ang mga tanong ni Viy habang nakasalang sa lie detector mula sa Eyespy Detectives and Investigators Co. 

Isa sa mga tanong na talaga namang nagpahagalpak sa tawa kay Viy Cortez ay nang tanungin nito si Toni kung minsan ba ay nahihiya siya sa mga ginagawa ng kapatid na si Alex.

“Lagi! Walang araw na hindi! Walang araw na ginawa ang Diyos na hindi ko kinahiya. Bakit ko naman ikatutuwa yung mga pinag gagawa niya?” biro ng 40-anyos na aktres. 

Isang matunog na “yes” naman ang sinagot ni Toni sa tanong kung sa tingin niya ay pwedeng maging arista si Viviys. 

“Pwede! Pwede siya as a comedian!” sabay udyok nito kay Viy na mag produce ng sarili niyang pelikula.

Wisdom by Toni

Samantala, naging seryoso naman ang mag kumare nang pag usapan ang pagkakaroon ng “mom guilt” sa tuwing iiwan ang mga anak para mag trabaho. 

Aminado ang “My Sassy Girl” star na ngayon ay hindi na siya nakakaramdam nito dahil nag iba na ang kanyang pananaw. 

“Marunong na akong mag no [sa trabaho]. Dati kasi syempre pag bata ka, yes ka ng yes sa lahat. Kasi iisipin mo magagalit sila sakin or baka anong isipin nila sakin.”

Matapang ding inamin ni Toni Gonzaga na hindi ito nagselos sa sinomang nakatrabaho ng kanyang asawa na si Direk Paul Soriano. 

“Pag daw tama yung kasama mo sa buhay, ang ibibigay sayo peace of mind. Pag hindi, f*ck*d up mind.”

Si Toni ay magbabalik pelikula sa January 31 bilang bida sa Philippine adaptation ng hit Korean film na “My Sassy Girl” kasama si Pepe Herrera.

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

2 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

4 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

4 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

4 days ago

This website uses cookies.