Hindi napigilan ni Yiv Cortez na maging emosyonal sa natanggap na suporta mula sa netizens sa nagdaang Team Payaman Fair Holiday Paawer Up.
Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ng bunsong kapatid ni Viy Cortez ang naging karanasan nito sa pagdalo bilang influencer-entrepreneur sa TP Fair noong Disyembre sa SMX Convention Center Manila.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay lumahok bilang negosyante si Yiv Cortez sa Team Payaman Fair. Ito kasi ang unang beses na sumali ang kanyang negosyong YIVA sa nasabing event na pinamumunuan ng kanyang Ate Viy.
Pagtapos magdiwang ng Pasko ay punong abala na si Yiv sa paghahanda ng mga ibebentang Lasagna at Bibingka sa TP Fair.
Unang araw palang ng TP Fair ay aligaga na ang 19-anyos na dalaga na game na game ring nakisalamuha sa kanilang mga fans.
Bukod sa simot ang paninda ni Yiv, walang pagod din nitong pinagbigyan lahat ng nagpa-selfie at nagpa-autograph sa kanya.
Matapos ang Day 1 ay hindi naman napigilan ni Yiv Cortez na maiyak matapos mapagtanto ang buhos ng suporta ng mga fans sa kanyang negosyo.
“Naiiyak ako kasi sobrang pasasalamat ko po sa inyong lahat kasi bumibili kayo sakin, hindi ko po inexpect,” ani Yiv.
“Thank you po sa lahat ng bumili. Ramdam na ramdam ko po yung suporta niyo sa akin, sobrang salamat po,” dagdag pa nito.
Setyembre ng nakaraan taon binuksan sa publiko ni Yiv ang kanyang kauna-unahang negosyo na YIVA, kung saan mabibili ang iba’t-ibang putahe gaya ng Lasagna at Bibingka.
Ayon sa dalaga, paborito niya at Lasagna at nagustuhan din nila ang recipe ng Bibingka mula sa Cagayan kaya naisipan niyang ibenta ito para matikman ng nakakarami.
Sa mga nais mag-order ng mga produkto ng YIVA, magtungo lang sa kanilang official Facebook page.
Watch the full vlog below:
Kakaibang Halloween special ang ibinahagi ng Team Payaman squad sa bagong vlog ni Clouie Dims. …
This article is sponsored by Salveo Barley Grass. There are a few more weeks to…
Dalawang taon na ang nakalipas mula noong ipinanganak ng Team Payaman power couple na sina…
Hindi na maitatanggi na punong-puno ng saya at pagmamahal ang Pamilya Cortez-Velasquez. Naririto ang ilan…
Matapos ang home-schooling kasama ang ibang Team Payaman kids, sasabak naman ngayon si Kidlat sa…
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Feast of Our Lady of the Rosary tuwing Oktubre, isinasagawa…
This website uses cookies.