Walang palyang pinasasalamatan ng VIYLine Group of Companies CEO na si Viy Cortez ang kanyang mga magulang sa mga naitulong nila para sa paglago ng kanyang negosyo.
Bilang pagtanaw ng utang na loob, isang malaking surpresa ang handog ni Viviys kina Mrs. Imelda Cortez at Mr. Ronaldo Cortez na nagsisilbing Finance Head at General Manager ng VIYLine.
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng Team Payaman Fair founder na si Viy Cortez ang ginawang surpresa bilang reward sa kanyang mga magulang.
Kasabay ng pagbili ng grand prize na brand new car para sa Team Payaman Fair Paawer Up noong Disyembre ay bumili rin ito ng bagong sasakyan para sa kanyang Mama at Papa.
“Kung alam n’yo lang guys, kaya ako nakakapag-focus kay Kidlat, hindi ako everyday nasa opisina, dahil ‘yun sa mga magulang ako,” kwento ng 27-anyos na vlogger.
Nang masilayan na ang sasakyan, hindi napigilan ni Viviys na matuwa at ma-excite sa kanyang surpresa.
“Naku, matutuwa mga magulang ko! Excited na ako!”
Pinapunta ni Viviys ang kanyang mga magulang at mga kapatid sa Congpound upang personal na ibigay ang kanyang regalo.
Inaya nito ang kanyang pamilya na sumayaw sa harap ng camera para sa umano’y Team Payaman Christmas ID music video.
Sa tulong ng kanyang fiancé na si Cong TV, napasayaw nito ang kanyang mga magulang at mga kapatid, dahilan upang malibang ito sa kanyang inihandang surpesa.
Abot-tenga naman ang ngiti ng kanyang Mama, Papa, at mga kapatid nang iabot na ni Viviys ang susi sa kanilang bagong sasakyan.
“Merry Christmas, Mama and Papa! Para ‘yan sa sakripisyo n’yo sa VIYLine, kulang pa ‘yan, pero isa ‘yan sa pasasalamat ko, ” bati ni Viy.
Sagot naman ng kanyang mga magulang: “Thank you!”
Watch the full vlog below:
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…
This website uses cookies.