Cong TV Meets Dwight Howard; Recruits NBA Star For ‘Cong’s Unbelievable Basketball’

Upang maisakatuparan ang pagbuo ng “All Star Team” para sa Cong’s Unbelievable Basketball, ni-recruit ni Cong TV sa kanyang team ang NBA legend na si Dwight Howard. 

Sa bagong vlog ni Cong, ibinahagi nito ang kanyang mga pinagdaanan upang mabuo ang nasabing basketball team, kasama na ang pakikipagkita sa ilang basketball superstars. 

Japan recruitment

Bukod sa bakasyon sa Japan kasama ang buong Team Payaman, minabuti rin ni Cong TV na maghanap ng mga bagong players na ipapasok niya sa binubuong Cong’s Unbelievable Basketball team. 

Isa sa mga nakalap nitong players ay si Shiga Lakestars guard Kiefer Ravena na naka-bonding ng Team Payaman habang nasa Japan. 

Cong x Dwight

Pag-uwi ng Pilipinas, pinagpatuloy ni Cong ang paghahanap ng players na bubuo sa kanyang grupo. 

“Ngayong nakuha na natin si Kiefer Ravena, bakit hindi pa natin isagad ang Law of Transaction,” biro ni Cong. 

Nakakita ito ng magandang pagkakataon nang magpadala ng mensahe sa kanyang Instagram account ang isa sa mga itinuturing na NBA legends.

“What’s up man see you followed me,” ani ng Strong Group Athletics star na si Dwight Howard

Sagot naman ni Cong: “We are excited to have you here in [the] Philippines. If you have time we can hang out.”

Agad namang pinaunlakan ng three-time NBA Defensive Player of the Year ang imbitasyon ni Cong TV. 

Sa kanilang pagkikita, hindi na inaksaya ni Coach Cong ang pagkakataon na imbitahin si Dwight na sumali sa Cong’s Unbelievable Basketball. 

Pumayag naman si Dwight kapalit ang ilang kondisyon: “I just wanna play shooting guard and come off screen and shoot like Manny Pacquiao.”

“Our budget is too tight, around P75 only [for] two minutes and one quarter,” biro ni Coach Cong na siya naman sinakyan ni Dwight. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

14 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

1 day ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.