“My heart! Yung heart ko nagiging fast!”
Pamilyar ka ba sa mga linyang ito ng panganay nina Junnie Boy at Vien Velasquez na si Mavi? Isa lang ito sa napakaraming reaksyon ni Mavi na naging viral meme sa social media dahil sa napaka-iconic na reaksyon nito.
Pero alam niyo bang mayroon palang mas malalim na kwento sa kabila ng nararanasang pagbilis ng tibok ng dibdib na ito ni Mavi?
Sa isang TikTok video, ipinaliwanag ngayon ng Team Payaman vlogger na si Vien ang dahilan sa likod ng tila “palpitations” ni Mavi na bahagyang ikinaalarma ng netizens.
Isang netizen ang nag komento sa TikTok video ni Vien Velasquez kung saan sinabing hindi ito ang unang beses na napanood niyang nagsabi si Mavi na sumasakit ang kanyang dibdib.
Dahil dito, minabuti ng 26-anyos na vlogger at mother-of-two na ikwento ang mga hakbang na ginawa nila upang masiguro na maayos ang kalusugan ng panganay na anak.
Ayon kay Vien, nasa Payamansion 2 palang sila ay nakaranas na ng palpitation ang 5-anyos nilang anak na si Mavi. Dahilan upang ipatingin nila ito sa doktor.
“Ang mga bata kasi bago lang sa kanila yung kabog ng dibdib kapag mabilis ang tibok ng puso pag napapagod, meron na silang nararamdaman na ganon,” ani Mommy Vien.
Kwento pa nito, matapos maglulundag sa kama ni Mavi ay napahawak ito sa kanyang dibdib. Ngunit imbes na sabihin agad sa mga magulang ang nararamdaman ay sinubukan nitong ikalma ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pag inom ng tubig.
Nang hindi mawala ang kabog sa dibdib ay agad itong nagsabi ng kanyang nararamdaman, dahilan upang isugod ni Vien ito sa ospital.
“Hindi ko na siya na-vlog kasi yung utak ko kailangan ko siyang unahin, hindi na para mag video-video,”
paliwanag ni Vien.
Dito na napagalaman na ang naging sanhi ng palpitations ni Mavi ay ang sobrang pagkain nito ng matatamis na pagkain.
“So ayun ang inexplain samin ng mga doctor, na ang mga bata nakakaranas din yan ng sugar rush at palpitate.”
Para mas makampante ay dumaan pa sa nga laboratory tests si Mavi na sa awa ng Diyos ay wala namang nakitang problema.
Dagdag pa ni Mommy Vien, walang dapat ipagalala ang kanilang mga taga suporta dahil walang seryosong karamdaman si Mavi.
“Normal po si Mavi, wala pong problem sa kanya. Bago nyo pa sabihin sakin na ipa-check ko sya, napa-check ko na po siya. Hindi lang talaga namin na-vlog dahil hindi naman dapat i-vlog.”
Pinayuhan din nito ang mga magulang gaya niya na limitahan ang pagkain ng matatamis na pagkain ng mga chikiting upang maiwasan ang mga ganitong pangyayari.
Bukod sa pagiging hands-on na ina at asawa, isa ring content creator at business owner…
Unending cuteness ang hatid ng Team Payaman mother-and-son duo na sina Mommy Viy Cortez-Velasquez at…
Isa sa mga pinagkakaabalahan ng Billionaire Gang member na si Carlyn Ocampo at asawa nitong…
DJI Philippines x SkyPixel Academy recently concluded its 2-day Professional Drone Training with VIYLine Group…
Kamakailan lang ay binisita ng renowned culinary expert na si Chef Gordon Ramsay ang bansa…
Kamakailan lang ay lumipad patungong Japan ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez upang ipagdiwang…
This website uses cookies.