Isa sa mga inaabangan ng mga magulang ay ang masaksihan ang pagkain ng solid food ng kanilang mga anak sa kauna-unahang pagkakataon.
Gaya ng iba, excited ang first-time parents na sina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na ibahagi ang first solid food experience ng panganay nilang si Isla Patriel, a.k.a Baby Isla.
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng maybahay ni Boss Keng na si Pat Velasquez-Gaspar ang pagkain ni Baby Isla ng solid food para sa kanyang ika-anim na buwan.
Present ang buong Team Gaspar upang matunghayan ang nakakatuwang milestone hindi lang para kay Baby Isla, kundi pati na rin sa first-time parents.
“Excited na ako guys, excited na akong ma-experience [na makita] ang pagkain ng aking anak,” bungad ni Boss Keng.
Hands-on naman si Mommy Pat sa paghahanda ng kakainin ni Baby Isla na agad nyang sinimulan sa paglilinis ng gagamitin nitong high chair.
Sunod nitong dinurog ang first solid food ni Isla na avocado na hinaluan ng kanyang breast milk, na ayon kay Mommy Pat ay nakakatalino para sa mga bata.
“Wow, tatalino ‘yarn?” biro ni Daddy Keng.
Ani Mommy Pat, siniguro nitong 2-3 teaspoons o 1 spoonful lamang muna ang ipapakain nito sa kanyang unico hijo.
Bagamat anim na buwan pa lamang si Baby Isla, hindi ito hadlang upang masubukan na ang pagkain ng solid foods dahil ayon sa mga eksperto, mabuting simulan na ang pagpapakain ng solid foods sa mga batang may edad anim na buwan pataas.
Sa nasabing vlog ay ipinahatid ng mga tagapanood ni Mommy Pat ang kanilang pagbati kay Isla.
@maimaim6861: “Same na same reaction kay Kidlat nung unang kain ng solid food. Ang cute cute ng Isla boy!”
@lharajhakecruz5599: “Sobrang cute naman ng baby na yan!”
@argieldizon9511: “Cutie, lahat ng boss madam member[s] naka-support sa first meal ni Isla Boy!”
Watch the full vlog below:
Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…
Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…
Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…
Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…
Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…
Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…
This website uses cookies.