Netizens Applaud Team Payaman’s Kevin Hufana For Pursuing Studies at 31

Bukod sa kanyang top-trending TikTok skits, inulan ng papuri ngayon ang Team Payaman member na si Kevin Hufana dahil sa pagpupursigi nitong makatapos ng pag-aaral sa edad na 31.

Alamin ang kwento sa likod ng mga hakbang na tinahak ni Kevin para sa kanyang edukasyon.

Balik Eskwela

Bumida sa isang featured video ng Philippine Star ang Team Payaman member na si Kevin Hufana o mas kilala bilang “Keboy,” dala ang kwento ukol sa kanyang pagbabalik eskwela sa edad na 31.

“Iba po kasi ‘yung confidence eh, ‘pag meron kang degree,” bungad ng content creator na nagsisilbi ring executive assistant ni Cong TV

Kwento ni Keboy, taong 2012 nang napilitan siyang tumigil sa pag-aaral upang magbanat ng buto at suportahan ang kanyang sarili. Nakatungtong si Keboy ng ikatlong taon sa kolehiyo sa kursong Civil Engineering.

Sa loob ng walong taon, pagiging call center agent ang bumuhay kay Kevin Hufana at sa kanyang mga mahal sa buhay. 

Ngayong parte na siya ng pinaka malaki at pinaka sikat na vlogger group sa bansa, hindi nito pinalampas ang pagkakataon na muling makapag-aral at masungkit ang inaasam na bachelor’s degree.

“Kaya eto, nung dumating ‘yung chance na makapag-aral ulit, ginrab ko talaga,” dagdag nito.

Nang sumubok sina Team Payaman members Kevin Cancamo, a.k.a Geng Geng at Mau Anlacan na kumuha ng college enteance exam, sinabayan ito ni Keboy at mapalad na nakapasok sa kursong Communication and Media Studies sa San Beda College Alabang.

“Sobrang saya ko at ‘yung feeling na kahit na 31 na ‘ko, parang hindi rin s’ya ramdam na ang layo ng age gap.” 

Touching Messages

Hindi naman napigilan ng mga netizens na maantig sa kwento ng pag-asang hatid ni Kevin Hufana.

Maraming Team Payaman supporters ang nagpahatid ng kanilang pagbati kay Keboy dahil sa kanyang sipag at determinasyong makatapos ng pag-aaral.

JP Enriquez: “Kung anong ugat siya talaga madalas nagiging bunga. Si Cong ang ugat kaya ang gaganda ng mga naging bunga.”

Kimberly Anne Ebajo: “Nakaka inspire! Laban lang [para] sa pangarap.”

Jloh Lopez: “We are proud of you kuya Kevs, enjoy and continue your dreams in your life.”

Yenny Certeza

Recent Posts

Clouie Dims Explore Vietnam’s Must-Try Foods with Team Payaman Girls

Isang masayang food adventure sa Vietnam ang ipinasilip ni Clouie Dims kasama ang kapwa Team…

4 hours ago

BEHIND THE SCENES: Team Payaman Fair 2025 VIYond The Beat Photoshoot

Matapos ang tatlong taon ng matagumpay na pagdadaos ng Team Payaman Fair sa Metro Manila,…

1 day ago

Ivy Cortez-Ragos’ Daughter Celebrates 7th Birthday With a Bang

The Cortez-Ragos family, better known as the RaCo Squad, happily celebrated their little princess, Samantha…

3 days ago

Strong Mind Foundation Third Spiritual Seminar: A Testament of Healing and Hope

Disclaimer: This article may contain triggering content on depression and suicide and is intended for…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Wows Followers with Her Vietnam Travel Photos

Talaga namang ‘living the pinterest dream’ ang vibe na hatid ng Team Payaman momma na…

5 days ago

A Fun Shopping Experience Awaits at VIYLine MSME Caravan Muntinlupa Leg

It’s that time of the month again, where Viyline MSME Caravan takes everyone’s shopping experience…

5 days ago

This website uses cookies.