Team Payaman Fair Winner to Start Travel Vlogs Using Brand New Car Prize

This article is sponsored by MCars PH

From TP Fair attendees to travel content creators – iyan ang peg ngayong 2024 ng mag-asawang maswerteng nakapag uwi ng brand new car mula sa Team Payaman Fair Holiday Paawer Up. 

Sa eksklusibong panayam ng VIYLine Media Group (VMG) kina Rica Sto. Domingo at Francis Ricabo, masaya nilang ibinahagi ang kwento sa likod ng pagkapanalo nila sa TP Fair. 

The TP Fair Experience

Kwento ng 29-anyos na si Rica mula sa Marilao, Bulacan, ang kanyang mister na si Francis talaga ang numero unong fan ni Cong TV at ng buong Team Payaman. 

Ayon kay Francis, binili ni Rica ang ticket sa Team Payaman Fair bilang regalo para sa kanyang kaarawan noong Oktubre. 

Present sa TP Fair Day 1 at Day 4 ang mag-asawa at sinabing sobrang na-enjoy nila ang pagkakataon na makapagpa-picture sa kanilang paboritong influencers at artista. 

“Sobrang nag-enjoy kami, nagpa-picture kami to every artists na nandun and sobrang na-enjoy namin, nakabili kami ng maraming merch,” kwento ni Rica. 

Dagdag naman ni Francis: “Siya yung mahilig pumila [para magpa-picture]. Pero sabi ko sa kanya dadating din yung time natin na hindi tayo pipila para makakapagpa-picture tayo kila Cong. Then ayun binigay samin, nakapagpa-picture kami with all the Team Payaman, nakaka-amaze.”

Brand New Car sa 2024

Samantala, tila naramdaman daw ni Rica na maiuuwi niya ang grand prize na 2023 Mitsubishi Xpander Cross mula sa MCars Ph habang nasa kalagitnaan ng raffle draw noong TP Fair Day 4.

“Yung winning moment ko po parang sobrang kakaiba po siyang feeling. Hindi pa po ako tinatawag nararamdaman ko naiiyak na ko, para akong mananalo sa Miss Universe pero hindi pa ko tinatawag,” ani Rica.

“Nung tinawag yung number ko, hindi ako makapaniwala kasi sobrang hindi ako lucky sa mga raffle, kahit nga sa mga Christmas party hindi po talaga ako nananalo. Pero TP Fair, grabe!” dagdag pa nito. 

Bilang pasasalamat sa napanalunang brand new car, nangako ang mag-asawa na susuportahan ang mga susunod pang Team Payaman Fair kahit saang panig ng bansa o mundo pa man ito makarating. 

“Maraming salamat po sa nabigay samin ni Lord. We will continue to bless everyone din, especially ang mga fan ng Team Payaman paunti-unti,” ani Francis.

Plano na rin daw nilang magsimula ng sarili nilang travel vlog gamit ang kanilang bagong kotse para na rin maging updated ang Team Payaman fans sa lagay ng kauna-unahang brand new car grand prize mula sa TP Fair. 

“We are planning to use the car to have travel vlogs na rin, para ma-update din yung mga tao kung kumusta na yung car from TP Fair.”

Kath Regio

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

1 day ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

2 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

2 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

2 days ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

3 days ago

This website uses cookies.