Ninong Ry Gives Brand New Phone to Fan Who Lost His Phone During Team Payaman Fair

Isang maswerteng fan ang nabiyayaan ng bagong cellphone ni Ninong Ry sa pagdalo nito sa Team Payaman Fair noong nakaraang Disyembre. 

At dahil first time ni Ninong Ry na mapabilang sa TP Fair, hindi rin nito napigilang ibahagi ang sayang naramdaman niya matapos makasalamuha ang mga fans at subscribers. 

Ninong Ry at TP Fair

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakisaya bilang booth merchant sa Team Payaman Fair ang content creator na si Ryan Reyes, a.k.a Ninong Ry. 

Dito unang ipinakilala ni Ninong Ry sa publiko ang kanyang merch line na matagal na aniyang nire-request ng kanyang mga supporters. 

Isang araw bago magbukas ang TP Fair sa publiko ay very hands on si Ninong Ry sa pag-aayos ng kanyang booth at mga ibebentang damit, caps, at iba pa. 

Pagdating December 27 ay game na game na nakisalamuha ang kusinerong vlogger sa fans at pinagbigyan lahat ng nais magpa-picture, magpa-autograph, at magpa-shoutout. 

“Sobrang saya noong TP Fair kasi yung mga inaanak ko sa internet na talaga namang solid ang suporta ay nabigyan ng mukha,” pasasalamat

“Bilang content creator, nakaka-overwhelm yung fact na pare-parehas tayong tao pero nag-spend ka ng oras, energy, at pera para pumunta don, para makapagpa-picture,” dagdag pa nito.

Good Deed

Pagdating ng ikatlong araw sa TP Fair, ibinahagi ni Ninong Ry ang isang pangyayari na nagtulak sa kanya upang bigyan ng regalo ang isang fan. 

“Kahapon may lumapit sakin na bata nagpa-picture, kaso sabi niya nawala daw yung cellphone niya kaya pwede daw ba pirmahan na lang namin yung case,” kwento nito. 

Inalok ni Ninong Ry ang fan na magpa-picture gamit ang kanyang cellphone at nangakong isesend ito sa Instagram account ng nasabing fan.

Dahil naantig ang puso ng kanyang misis sa sinapit ng fan, hinikayat nito si Ninong Ry na regaluhan ito ng bagong cellphone. 

Kwento ng fan na nawalan ng cellphone, habang nasa entrance siya ay may dumaang vlogger kaya nagkasiksikan ang mga tao.

“Pagpasok ko dito chineck ko yung cellphone ko kasi nakita ko si Cong TV, magpapa-picture sana ko pagtingin ko wala na [yung cellphone ko], case na lang natira.”

Agad inabot ng tinaguriang “ninang” ang pang malakasang regalo nilang brand new cellphone. 

“Ayaw lang kasi namin na pumunta ka ng TP Fair tapos pangit pa yung alaala mo,” ani Ninong Ry. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

2 hours ago

Yiv Cortez Wows Netizens with Her Rendition of ‘Ligaw Tingin’

Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…

2 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

3 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

3 days ago

Netizens Applaud Isla Patriel Gaspar’s Early Household Skills

Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…

3 days ago

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

4 days ago

This website uses cookies.