Dudut Lang Sparks Inspiration as He Rekindles Interest in Taekwondo Sport

Isa ang pagbabalik sa sports na Taekwondo sa mga nais makamit ng Team Payaman vlogger na si Dudut Lang ngayong 2024.

Samahan si Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang, sa mga hakbangin nito sa kanyang pagbabalik sa sparring mat. 

Taekwondodot

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ni Dudut Lang ang isa sa mga pinakamalaking agenda nito sa pagtungtong sa taong 2024.

Lingid sa kaalaman ng lahat na walong taon na ang nakakalipas nang huling naglaro ng Taekwondo ni Dudut Lang, dahilan upang naisin nitong masubukan muli ang paglalaro.  

Sa tulong ng Mi Black Taekwondo Training Center at ni Coach Mon, naisakatuparan ni Dudut Lang ang page-ensayo at paghahanda para sa kanyang laban kontra ibang Taekwondo players noong December 3. 

Ibinihagi nito na hirap ang kanyang katawan sa mga pag-eensayo sa ngayon kompara noong sya’y bata pa.


“Sa ngayon, sa totoo lang, hinihingal na ako. Pero naalala ko, ginagawa ko ‘to noon sa ganitong punto wala pa akong nararamdaman dahil bata eh,” kwento ni Dudut.

Ibinahagi ni Coach Mon na hindi madali ang ginagawang paghahanda ng kanyang mga players, ngunit sigurado ito na isa o dalawang linggo ay maiibsan na ang sakit ng katawang nararadaman ng mga ito.

“Mawawala ‘yung sakit n’ya. It takes one week or two weeks, tapos magiging normal na, tapos may magiging improvement,” aniya.

Matapos ang puspusang pagsasanay kasama ang ilang mga nakababatang Taekwondo players ay handa nang lumaban si Dudut sa isang mall sa General Trias sa Cavite.

Siyempre present din ang nobya ni Dudut na si Clouie Dims upang suportahan ito sa kanyang pagbabalik Taekwondo.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay may sinapit na aksidente ang balikat ng Dudut sa gitna ng kanyang laban, na agad din naman nasolusyunan.

Bagamat may iniindang sakit ng katawan, hindi pa rin nito napigilan si Dudut sa pagsungkit ng medalya.

Chase Your Dreams

Bago matapos ang nasabing vlog ay may pabaong mensahe si Dudut Lang sa kanyang mga manonood na patuloy na nangangarap at nagnanais sumubok ng bagong bagay.

“Kaya pa naman pala eh. Medyo nakakatakot lang pero normal lang matakot, pero ‘yung sumuko at itigil medyo iwasan natin ‘yun. Laban lang, kaya pa ‘yan eh!” ani Dudut.

Kung kaya naman marami sa kanyang mga tagapanood ang nabuhayan at na-inspire sa kakaibang trip ni Dudut.

@sumalbagalleahcharity1282: “Sign na ata ulit to para bumalik ako [sa Taekwondo] iba talaga pag nasa training ground ka na or may nakikita kang nag training, bumabalik talaga yung hilig naten. Congratulations sayo, Dudut!

@francezkalelis5177: “NICE ONE DUDUT! Never talaga mawawala ang Taekwondo spirit. Props din sa mga coaches na nag train. Nakakamiss mag taekwondoooo!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Short-Form Classes To Try For Your Kids, As Seen On Kidlat

There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…

3 days ago

Top 5 VIYLine Cosmetics Lip Slay Summer-Ready Shades That You Should Try

The summer season is approaching, so your bikinis and summer outfits are probably ready. But…

3 days ago

Team Payaman’s Alona Viela Takes Over TikTok With Her Iconic Dance Moves

Sa mundo ng Team Payaman, kabilang ang Team Payaman chikitings sa nagsisilbing “happy pil”’ o…

3 days ago

8 Years in The Making: Rana Harake Now Engaged to Antonio Enriquez

Matapos ang walong taon ng pagiging mag-nobyo, pormal nang hiningi ni Tonyo Enriquez ang mga…

3 days ago

This is How Viy Cortez-Velasquez Maintains a Fresh Look During 2nd Pregnancy

Kapansin-pansin na talaga namang blooming ang soon-to-be mom of two na si Viy Cortez-Velasquez. Alamin…

4 days ago

Dangwa Flowers by Samantha’s Flower Shop: Quality Blooms, Exceptional Service

Flowers undoubtedly enhance our world with their captivating charm and fragrance. The Philippines, blessed with…

4 days ago

This website uses cookies.