Team Payaman Reacts to Dingdong Dantes and Marian Rivera’s Blockbuster Film ‘Rewind’

Hindi nagpahuli ang buong Team Payaman na mapanood ang pinipilahang pelikula ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na “Rewind.” 

Gaya ng karamihan sa nakapanood na nang nasabing blockbuster entry para sa 49th Metro Manila Film Festival (MMFF), tila bumaha rin ang luha ng grupo matapos panoorin ang pelikula. 

Rewind Movie

Nitong Linggo, ika-7 ng Enero ay nagsama-sama ang Team Payaman para sa isang private screening ng pelikulang “Rewind.”

Ang pagbabalik pelikula ng tambalang Dingdong Dantes at Marian Rivera ay umani ng samu’t-saring papuri mula sa mga manonood dahil sa ganda ng storya at aral na dala nito. 

Sa kasalukuyan, ang Rewind ay itinuturing na highest-grossing MMFF film ng 2023 dahil malapit nang umabot sa higit P400-million ang kinita ng nasabing pelikula.

Ang Rewind ay kwento ng mag-asawang John at Mary na nauwi sa trahedya, ngunit nabigyan sila ng pagkakataon na balikan ang pangyayari bago ang aksidente. 

Team Payaman Reacts

Matapos panoorin ang nasabing pelikula, kanya-kanyang post sa social media ang Team Payaman members upang ibahagi ang kanilang saloobin. 

Ayon kay Pat Velasquez-Gaspar, tila naging “retreat” ang pagnood nila ng Rewind dahil hindi nila naiwasang magyakapan at mag iyakan matapos panoorin ang pelikula.

“Parang nag retreat yung Team Payaman after manood ng Rewind. Hala sige ang aylabyuhan, yakapan, punasan ng luha. Panoorin niyo to, sama mo yung kaaway mo manood paglabas niyo ng sinehan bati na kayo.”

Ibinahagi naman ni Viy Cortez ang kanyang realisasyon matapos mapanood ang bida sa takilya. 

“Walang rewind sa tunay na buhay, kaya itama mo na ang mga pwede mong itama,” ani Viviys. 

“Higit sa lahat, mahalin mo ang asawa mo,” dagdag pa nito. 

Samantala, larawan naman ng mga mugtong mata naman ng mag-asawang Vien Iligan-Velasquez at Junnie Boy ang ibinihagi ni Mommy Vien. 

Hindi naman aniya inakala ng kapatid ni Viy na si Ivy Cortez-Ragos na iiyak siya matapos panoorin ang Rewind.

“Maraming bagay kang matututunan sa movie na ‘to, maganda ang kwento at aral.”

kaw kapitbahay, napanood mo na ba ang blockbuster movie ng taon? Anong masasabi mo sa pelikulang Rewind? 

Kath Regio

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

14 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

24 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

1 day ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

1 day ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

1 day ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.