Netizens Applaud Viy Cortez’s Father’s Dedication and Support During Team Payaman Fair

Hindi magiging tagumpay ang Team Payaman Fair kung hindi dahil sa tulong ng mga taong nakasuporta sa vlogger at negosyanteng si Viy Cortez, partikular na ang kanyang mga magulang.

Alamin ang dahilan kung bakit umaani ng papuri online ang ama nitong si Mr. Rolando Cortez, a.k.a Papa Wow, na punong abala sa nasabing Team Payaman event.

Supportive Father

Usap-usapan ngayon ang isang TikTok video ng netizen na nagbabahagi ng pagiging hands on ng ama ni Viy Cortez na si Rolando Cortez sa Team Payaman Fair nitong Disyembre.

Bukod sa pagsama sa kanyang anak sa booth ng VIYLine Cosmetics, hindi rin matatawaran ang pagsusumikap nitong maihatid ang diwa ng Paskong Pinoy sa tulong na rin ng VIYLine Group of Companies. 

Pinuri rin ng netizens ang tila walang pagod na pagbabantay ni Papa Wow upang masigurong ligtas ang kanyang anak sa tuwing nasa booth upang makipag selfie sa mga fans.

@wmclymt: “Supportive ng Papa mo po, Viy Cortez!” 

@chenni465: “Iba ang confidence at tapang ng anak pag may support ng magulang.”

@grace: “Nung March TP Fair, ‘di kami umabot sa picturean kay Cong. Hindi kami pinabayaan ni Tito, inexplain n’ya samin tapos he guided us sa groufie with TP”

@m.c.hernandez: “Sobrang approachable [n’ya] pa. Nu’ng nagpa-picture kami sa kanya, go na go talaga s’ya!”

@ghekaymadriaga: “Sobrang bait ng Papa ni Ms Viy Cortez. TP Fair Day 1, ang aga n’ya nang nag-punta sa SMX para mag-asikaso sa event nila…”

A Father’s Love

Walang hanggang pasasalamat naman ang hatid ng General Manager ng VIYLine Group of Companies sa mga taong nagpahalaga ng kanyang mga ginawa para sa Team Payaman Fair.

Sa isang Facebook post, ibinahagi nito ang kanyang mga sentimento sa mga komentong natanggap online. 

“Salamat sa mga sumusuporta kay Viy at Cong at sa’king pamilya! Bilang ama, gagawin ko ang lahat para sa’king pamilya, maiksi lang ang buhay, at baon ko sa pagharap sa Diyos.” aniya.

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

1 hour ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

4 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

5 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

5 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

1 day ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

This website uses cookies.