This is What Attendees Loved About Team Payaman Fair Holiday Paawer Up

Hindi lang isa, kung hindi dalawang Team Payaman Fair ang matagumpay na naihatid ng Team Payaman at VIYLine Group of Companies noong 2023.

Alamin kung ano nga ba ang hatol ng solid Chicken Feet Gang at Team Payaman fans sa nagdaang Team Payaman Fair Holiday Paawer Up.

TP Fair Nambawan!

Ginanap ang ikalawang Team Payaman Fair noong Disyembre 27-30, 2023 sa SMX Convention Center Manila na kung saan dinagsa ito ng libo-libong Team Payaman supporters.

Bukod sa Team Payaman, present din sa nasabing event ang ilan sa mga kilalang pangalan sa mundo ng vlogging at social media.

Isa sa mga hindi pinalampas ng mga dumalo ay ang pagkakataong makausap, mahagkan, at makapagpa-picture sa kanilang paboritong social media stars.

Kung kaya naman hindi napigilang ibahagi ng mga netizens ang kanilang saya sa pagiging maasikaso ng kanilang mga tinitingalang mga personalidad.

Sa isang TikTok video, inulan ng papuri ang vlogger at entrepreneur na si Viy Cortez matapos nitong iprayoridad ang kanyang mga taga-suportang pumila para makapag-papirma at magpa-picture sa kanya.

@alyannalaine: “[Si] Viy Cortez gutom na pero pipirma pa din!” aniya.

“Grabe, super bait ni Viy Cortez” komento ni Maryann Francisco Rafael.

Herlyn Grospe Delim: “Sobrang bait ni Viy, kaya super blessed!”

Marami din ang umuwing may ngiti sa kanilang mga labi dala ng pagkakaroon ng pagkakataon personal na malapitan ang kanilang mga iniidolo.

Bukod dito, labis na inabangan ng mga dumalo ang mga makapigil-hiningang live performances nina Donnalyn Bartolome, Jelai Andres, Zeinab Harake, at SB19 member na si Josh Cullen.

Bagamat maraming team bahay ang nanghinayang dahil hindi ito pinalad na makapunta sa TP Fair, nakisaya naman sila sa livestream sa official Facebook page ng Team Payaman Fair.

VIYLine x Team Payaman

Isa rin sa mga ikinatuwa ng mga dumalo ay ang full-force effort ng Pamilya Cortez at VIYLine Group of Companies sa paghahatid ng Paskong Pinoy sa pamamagitan ng Team Payaman Fair Holiday Paawer Up.

Una nang pinasalamatan ng VIYLine CEO ang kanyang mga magulang sa isang Facebook post na umani ng libo-libong reaksyon.

“Maraming salamat sa pamilya ko na laging naka-alalay sa akin at nakasuporta. Hindi ko alam paano ko mapapalitan ang mga pagod n’yo” ani Viy.

Hindi rin napigilan ng ilan na ipahatid ang kanilang pagbati sa masaya at matagumpay na second leg ng Team Payaman Fair.

Joan Cortez: “Congratulations TP Fair team and to your family! You deserve it Viy!”

Helen on Fleek: “Nakakaiyak! Congrats Viy and family!! Sobrang successful ng TP Fair!!”

Anne Christine: “Congrats po, Ms Viy! Kita namin pagka hands on ni Papa Wow, from pila sa umaga ng mga tao, pag assist sa marshals and staffs and pagsagot sa mga tanong ng mga dumalo: Sobrang solid ng Cortez Fam.”

Saan naman kaya ang susunod na Team Payaman Fair? Visayas at Mindanao, ready na ba kayo? Hanggang sa susunod!

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

2 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

3 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

3 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

4 days ago

This website uses cookies.