Influencers’ Gimmicks That You Missed at Team Payaman Fair Paawer Up

Sari-saring pakulo ang inihanda ng Team Payaman at iba pang social media influencers na present sa nagdaang Team Payaman Fair Holiday Paawer Up. 

Bukod sa kani-kanilang booth at stage appearance, may kanya-kanyang gimik din ang ating mga paboritong content creators para gawing “paawer up” ang saya sa nasabing okasyon na ginanap sa SMX Convention Center Manila. 

Silipin ang ilan sa mga pakulong mas nagpasaya sa Holiday Fair na bumuo sa 2023 ng mga Pilipino.  

Agassi Ching

Kung sa unang TP Fair noong Marso ay may “Flip the Bottle Challenge” ang content creator na si Agassi Ching, ngayong TP Fair 2.0, isang masayang “Free Throw Challenge” naman ang hatid nito sa kanyang kapwa vloggers. 

Dala ang kanyang sariling basketball ring at bola, hinamon ni Aga ang ilang influencers na ma-shoot ang bola kapalit ng pagbili nito ng kani-kanilang paninda. 

Una nitong hinamon ang longtime girlfriend na si Jai Asuncion na tagumpay na nakapagshoot kaya bumili si Aga ng sampung scent sa kanyang bagong produktong pabango. 

Ilan pa sa mga nagtagumpay sa kanyang hamon ay sina Ser Geybin Capinpin, Junnie Boy, Yow Andrada, Cong TV, at Von Ordona ng Billionaire Gang.

VeeWise

Isang masayang Spin the Wheel challenge naman ang hatid ng professional Esports players na sina Ohmyv33nus at Wise Gaming sa kanilang VeeWise Sari-Sari Store booth. 

Bukod sa binebentang VeeWise merch at milk tea, binibigyan nila ng free spin ang mga customers kung saan iba’t ibang premyo ang nag aabang gaya ng mug, sticker, pin, bagoong, shirt, at iba pa.

Steve Wijaywickrama

Panibagong world record attempt naman ang ginawa ng Team Payaman editor-turned-vlogger na si Steve Wijayawickrama sa kanyang booth. 

Sinubukan nitong talunin ang world record ng “Most hugs in one minute” na sa kasalukuyan ay may record na 79 hugs. 

Matapos ang tatlong subok ay nakapagtala si Steve ng 92 hugs sa tulong ng mga fans na pumila sa kanyang booth.

Boss Keng

Samantala, hindi pa rin pinalampas ni Boss Keng ang pagkakataon na pagkatuwaan ang Team Payaman members at ilang kapwa vloggers.

“Bukod sa pumunta sa aking booth, ang pinaka ultimate reason kung bakit tayo nandito ay manguryente ng mga influencer!” ani Boss Keng sa kanyang vlog. 

Nagkunwari si Boss Keng na magpapa-autograph para sa kanyang tropa, ngunit lingid sa kaalaman ng mga biktima ay may kuryente ang ipapagamit nitong ballpen. 

Halos nabiktima ni “Kuryente King” ang buong Team Payaman maliban kina Burong, Viy Cortez, at Bods na una nang natunugan ang nasabing prank. 

Kath Regio

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

2 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

3 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

3 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

4 days ago

This website uses cookies.