Hindi natatapos ang paghahatid ng Japan vlogs ng Team Payaman dahil Ueno Zoo at Tokyo Tower adventure naman ang ibinahagi ngayon ni Pat Velasquez-Gaspar
Sa likong ng kanilang masayang Japan trip ay ang walang hanggang pasasalamat ng Team Velasquez sa kakaibang karanasan ng kanilang pamilya.
Ibinahagi ng first-time mom na si Pat Velasquez-Gaspar sa kanyang vlog ang pasilip sa kanilang nagdaang Ueno Zoo at Tokyo Tower adventure.
Sa kagustuhang maipasyal ang unico hijo nitong si Baby Isla, unang binisita ng Team Gaspar ang Ueno Zoo.
“Feeling ko ma-aappreciate ni Isla boy!” bungad ni Mommy Pat.
Matapos ang paglilibot sa Ueno Zoo, kinabukasan ay binisita ng Team Payaman ang kilalang Tokyo Tower.
Ani Pat, gusto niyang makasama ang ina sa pag-akyat sa nasabing tower upang maharap nito ang kanyang fear of heights.
Bagamat tumanggi sa hamon ang kanyang ina, tinuloy pa rin nina Pat ang pag akyat sa tuktok ng Tokyo Tower.
Sa nasabi ring vlog ay hindi napigilan ng mga magulang nina Cong TV na ipagpasalamat ang oportunidad na makalipad ng ibang bansa kasama ang buong pamilya.
“It’s so good to travel with them [my parents]. First time namin mag-travel with the whole fam, na kumpleto kami,” ani Pat.
Hindi naman napigilan ng haligi ng tahanan na si Val Velasquez, a.k.a Papa Shoutout, na lubos na magpasalamat sa mga biyayang natanggap ng kanilang pamilya.
“Napaka-swerte natin at napakabait ng Panginoon dahil binibigyan tayo ng mga biyaya. Biro mo ah, sa tagal ng panahon, swerte at nandito tayo ulit sa Japan,” aniya.
Pinuri naman ng ilaw ng tahanan ng pamilya Velasquez na si Jovel ang kakaibang ganda at linis ng Japan, dahilan upang balik-balikan nila ang bansa.
“Sobrang saya ng puso namin kasi syempre bihira lang ‘yung ganitong mangyari, kasi sa Pilipinas guys, hindi talaga kami nakukumpleto. Sobrang busy!” kwento nito.
Watch the full vlog below:
Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…
Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…
The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…
Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…
Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…
Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…
This website uses cookies.