TOP TRENDING: Netizens Touched by Sir Geybin and Cong TV’s First-Ever Encounter

Sa kauna-unahang pagkakataon, nag-krus na ang landas ng dalawa sa mga tinitingalang content creator sa bansa na sina Cong TV at Ser Geybin Capinpin.

Alamin kung ano nga ba ang tagpong nagpa-antig sa mga netizens sa pagkikita ng dalawang nasabing YouTube vloggers sa nagdaang Team Payaman Fair.

Much Awaited Meet-Up

Umani ng mahigit sa 1.3 million views sa YouTube ang vlog ni Ser Geybin na nagpasilip sa unang pagkikita nila ng idolong si Cong TV

Una pa lang ay hindi na itinanggi ng panganay ng Capinpin Family na isa ang Team Payaman founder na si Cong TV sa nagtulak sa kanya na simulan ang kanyang vlogging career.

“[Kung hindi] dahil sa taong ‘to, baka hindi n’yo ko napapanood ngayon kasi s’ya ang dahilan kung bakit, siguro 50-60%, s’ya ang dahilan kung bakit ko pinasok ‘yung platform na ‘to,” paliwanag ni Ser Geybin.

Nilinaw din ni Ser Geybin na isa sa mga rason kung bakit hindi niya ibinubunyag sa kanyang vlogs ang pagiging die-hard fan ni Cong TV ay dahil nais nitong tadhana ang gumawa ng paraan para mag-krus ang kanilang mga landas.

“Kapag nagkita kami ni Sir Cong, gusto ko mayroon na akong maipagmamalaki sa kanya, sana makilala n’ya ako, at pangatlo, sana ‘di sinasadya ang pagkikita namin,” aniya.

Pagdating sa SMX Convention Center Manila para sa Team Payaman Fair Holiday Paawer Up, game na game itong nakipagkulitan sa kanilang mga fans na pumila sa booth ng SERGE Apparel.

Matapos ang kanilang masayang stage appearance, isang surpresa ang naghihintay para sa solid supporter ni Cong TV.

Laking gulat ni Ser Geybin ng salubungin siya ni Cong TV kasunod ang future wife nitong si Viy Cortez.

Hindi napigilan ni Ser Geybin na maiyak sa saya nang mahagkan at makausap ang nag-iisang Cong TV.

“Matagal na kita sir pinapanood, kaya ako nag-vlog dahil sa’yo” ani Ser Geybin.

Sagot naman ni Cong TV: “Maraming salamat. Nakakatuwa lang na grabe ‘yung success ni Ser Geybin. Nakikita ko s’ya, sumusubaybay ako.” 

Touching Messages

Hindi naman napigilan ng netizens na ma-antig sa unang pagkikita ng Capinpin Family at ng Team Payaman.

@rexchannel1828: “Si Cong ‘yung barometer ng mga vlogger sa Pinas. Sobrang simple ng taong ito and every vlogger would love to meet him and have [a] collab with him.”

@elieben137: “Ang galing! Naiyak ako d’un. Well, you deserve all the blessings that you have right now. More power po, Ser Geybin!”

@markadriangarcia5599: “‘Yung collaboration na hindi natin hinihiling pero alam nating darating”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

1 day ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

1 day ago

Netizens Applaud Isla Patriel Gaspar’s Early Household Skills

Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…

1 day ago

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

2 days ago

Buy 1 Item, Get Another For Only PHP 1 With Viyline’s 12.12 Piso Deals!

What better way to celebrate the Christmas season than by embracing the spirit of giving.…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Aaron Oribe and Roy Aguilo’s Inspiring Stories After ‘Istasyon’ Vlog

Isang makabuluhang episode ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez sa kanyang…

3 days ago

This website uses cookies.