Here’s How You Can Win a P1K Pamasko From Ninong Cong TV

Dahil ilang tulog na lang ay Pasko na, mayroon ding Pamaskong handog ang Team Payaman head master na si Cong TV kasama ang Maya Philippines.

Alamin kung paano nga ba magkakaroon ng pagkakataong makapag-uwi ng tumataginting na isang libong pisong pamasko mula kay Ninong Cocon.

1 Year = P1,000

Sa kanyang Lutan vlog, hindi ipinagkaila ng YouTube vlogger na si Cong TV ang dilemma nito bilang ninong ng kanyang mga inaanak.

“Iniisip ko lahat ng listahan ng inaanak ko simula n’ong naging Ninong ako. Di ko maalala,” kwento nito.

Agad na umalma ang driver nina Junnie Boy at Vien na si Kuya Terio dahil isa si Cong TV sa mga ninong ng kanyang anak.

“Kahit ‘yung anak ko, hindi mo maalala?!” ani Kuya Terio.

Dahil dalawang taon nang hindi nakakasama ni Ninong Cong ang kanyang inaanak mula kay Kuya Terio ay inambunan n’ya agad ito ng dalawang libong pamasko.

Maya-maya pa’y iniisa-isa na ni Ninong Cong ang mga posibleng mga inaanak mula sa kanyang mga malalapit na kaibigan at kamag-anak.

Sunod nitong tinawagan ang isang kaibigan upang tanungin kung ilang taon na nga ba magmula nung huling nagkita ang dalawa, pati na rin ng kanyang inaananak.

“Ilang taon na ‘yung inaanak ko?” tanong ni Cong.

Sagot naman ng kanyang kumpare: “Magfo-fourteen na.”

Walang pagdadalawang isip na pinadalhan ni Ninong Cong ang inaanak ng P14,000 sa pamamagitan ng Maya E-Wallet.

Pamasko from Ninong Cong

Gusto mo rin ba mag-uwi ng P1,000 pamasko mula kay Ninong Cong at Maya Philippines? Ito na ang pagkakataon na gawing merry ang Christmas mo.

“Dyan sa mga dumadagdag pa at nagsasabing inaanak ko sila, ngayon, mayroong pamaskong ibibigay sa inyo si Maya. Ano pang inaantay n’yo? Switch to Maya!” aniya.

Kinakailangan lang na gawin ang mga sumusunod:

  1. Magdownload ng Maya app.
  2. I-comment sa Lutan vlog ang inyong Maya username.

50 maseswerteng Maya users ang maaaring mag-uwi ng P1,000 aguinaldo mula sa Maya Philippines at Cong TV.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Here Are the Top 5 Things to Do in Baguio ft. VIYLine MSME Caravan

Planning a trip to Baguio this week, but not sure what activities to try? Don’t…

1 day ago

CHALLENGE ACCEPTED: Angeline Quinto & Viy Cortez-Velasquez’s Showdown of Vocals and Kitchen Skills

Matapos gumawa ng chocolate cake para sa kanilang mga chikiting, muling nagharap aktres at singer…

2 days ago

Proof that Mommy Riva and Athena Are The Ultimate Mom-Daughter Duo

Bukod sa pagiging aktres, dancer, at vlogger, isa rin ang pagiging hands-on mommy sa mga…

2 days ago

This is How Ellen Adarna Champions Mental Health

Trigger Warning: This article contains sensitive topics related to mental health that may trigger some…

2 days ago

Jai Asuncion’s Top 3 Must-Try Food Stops in Binondo, Manila

Matapos ang matagal na pahinga sa pag-vlog, muling nagbabalik ang content creatorna si Jai Asuncion…

2 days ago

Zeinab Harake & Ray Parks Wow Supporters With Romantic Prenup Video

They say love comes when you least expect it—at the right time, with the right…

2 days ago

This website uses cookies.