Ser Geybin of Capinpin Brothers Dedicates YouTube Gold Play Button to Late Father

Emosyonal na binuksan ni Gavin Capinpin, a.k.a Ser Geybin ng Capinpin Brothers ang kanyang Gold Play Button mula sa YouTube. 

Ayon sa sikat na vlogger, ang pagdating ng nasabing pagkilala mula sa YouTube ay isa sa maituturing niyang pinaka magandang regalo na natanggap niya ngayong Disyembre. 

Gold medal

Sa kanyang bagong YouTube vlog, ibinahagi ni Ser Geybin sa kanyang mga manonood ang isang special milestone sa kanyang karera bilang content creator. 

Kwento nito, Oktubre nang matanggap niya ang balitang pwede na niyang makuha ang Gold Play Button na ibinibigay ng YouTube sa content creators na nakakuha ng 1 million subscribers. 

“Kumbaga sa school, ito po yung medal ko. Ito yung trophy na pinaghirapan namin ng buong pamilya ko,” ani Ser Geybin.

Aniya, hindi niya inakalang makukuha pa nila ito dahil kamakailan lang ay nagkaroon ng violation ang kanyang YouTube channel.

Pedro Capinpin

Imbes na buksan agad ang natanggap na package mula sa YouTube, minabuti ni Ser Geybin na buksan ito sa harap ng puntod ng kanyang yumaong ama. 

“Pa, may gold play button na ko, pa! “Papa, para sayo ‘to, pa!” emosyonal na sambit nito.

Kwento ng sikat na vlogger, nais niyang ang ama ang unang makakita ng YouTube Gold Play Button dahil pangarap daw ito ng kanyang tatay para sa kanilang magkakapatid.

Hindi aniya nila mararating ang kanilang karera bilang content creator kundi dahil sa panghihikayat ng kanilang ama. Minsan na rin daw niyang naisipang huminto sa paggawa ng vlog noong nagkasakit ang kanyang ama, ngunit pinursige siya nitong magpatuloy. 

Upang alalahanin ang kanyang yumaong ama, ipinangalan niya rito ang nasabing YouTube Gold Play Button. 

Samantala, pag uwi ng bahay ay masaya itong pinakita ni Sir Geybin sa kanyang mga kapatid, pinsan, at ina. 

Minabuti rin ni Gavin Capinpin na i-display ang Gold Play Button sa kanyang lumang kwarto na saksi sa kanyang vlogging career. 

“Dito natin ilalagay yan kung saan tayo unang nagsimula, kung saan unang nabuo ang mga pangarap namin.”

Capinpin Brothers at Team Payaman Fair

Abangan si Ser Geybin at ang buong Capinpin Borthers sa nalalapit na Team Payaman Fair Holiday Paawer Up sa December 27-30 sa SMX Convention Center Manila. 

Bitbit nila ang buong pamilya at ang SERGE Apparel, kaya ano pang hinihintay niyo? Sugod na sa teampayamanfair.com para bumili ng ticket! Tara na po ulit!

Kath Regio

View Comments

Recent Posts

Netizens Melt Over Cong TV’s Nostalgic Christmas Content for Kidlat and Tokyo

Isang nakakaantig na Christmas content ang hatid ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez,…

10 hours ago

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

4 days ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

4 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

6 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

6 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

7 days ago

This website uses cookies.