Level Up Your Noche Buena With a P1,5K Budget ala Ninong Ry

Dahil ilang araw na lang ay Pasko na, isang Noche Buena tipid hack ang hatid ng pambansang 

ninong ng lahat na si Ninong Ry.

Alamin kung paano nga ba makakatipid habang pinaparasap ang pagkaing pagsasaluhan ng pamilya ngayong Kapaskuhan.

P1,500 Noche Buena

Sa bagong vlog ni Ninong Ry, nagbahagi ito ng mga payo kung paano nga ba makakatipid habang pinapanatiling masarap ang pagkaing ihahain sa darating na Noche Buena.

Matagumpay naisagawa ni Ninong Ry ang pagbuo ng Noche Buena sa halagang P1,000 noong nakaraang taon, kung kaya naman ngayo’y minabuti nitong gawing P1,500 ang budget kasabay ng pagtaas ng bilihin.

Ang una nitong itinuro ay ang pagluto ng Embutido gamit ang mga sumusunod:

  • Kalahating kilo ng pork giniling – P150
  • Itlog (2 pcs) – P18
  • Carrots –  P10
  • Sibuyas na pula – P10
  • Bawang – P5
  • Cornstarch – P5
  • Breadcrumbs – P35

TOTAL: P233

Sunod namang ibinida nito ang paggawa ng Chicken Barbecue on a budget gamit ang mga sumusunod:

  • 1kg Chicken breast – P300
  • Banana Catsup – P30
  • ¼ Calamansi – P20
  • Barbecue Stick – P20
  • Uling (2pcs) – P20
  • Toyo
  • Asukal
  • Paminta

TOTAL: P390

Habang nag-aalab ang init ng kanilang uling, sunod na inihanda ni Ninong Ry ay ang kanyang legendary Baked Bangus gamit ang mga sumusunod:

  • Boneless bangus with kaliskis – P150
  • Keso – P53
  • Asin at Paminta
  • Mayonnaise (optional)

TOTAL: P203

Para naman sa panghimagas, suhestiyon naman ni Ninong Ry na gumawa ng Buko Pandan para sa Noche Buena gamit ang:

  • Buko – P35
  • Pandan Gulaman – P15
  • All-purpose Cream – P78
  • Evaporated Milk – P20
  • Asukal

TOTAL: P148

Para naman sa Bibingka, ibinahagi ni Ninong Ry ang pinakamadaling paraan sa paggawa nito gamit ang airfyer at mga sumusunod:

  • Pancake Mix – P35
  • Gata – P20
  • Itlog (2pcs) – P18
  • Itlog na Maalat (2pcs) – P15
  • Dahon ng Saging – P5
  • Margarine/Butter
  • Asukal

TOTAL: P93

Sunod naman sa listahan ang paggawa ng Maja Blanca gamit ang mga sumusunod na rekado:

  • Mais (2pcs) – P40
  • Gata (2pcs) – P40
  • Cornstarch – P10
  • Sapal
  • Asukal

TOTAL: P90

Syempre, hindi pwede mawala ang Shanghai sa hapagkainan kung kaya naman nagbahagi si Ninong Ry ng on-a-budget hack para dito:

  • Pork Giniling ¼ – P75
  • Carrots – P10
  • Bawang – P5
  • Sibuyas – P10
  • Singkamas – P20
  • Molo Wrapper – P35

TOTAL: P180

Para naman sa Pancit Palabok, ginamit ni Ninong Ry ang mga sumusunod na rekado:

  • Bihon – P20
  • Pork Giniling – P50
  • Labok – P10
  • Atsuete – P10
  • Shrimp Cubes – P7
  • Bawang – P5
  • Spring Onions – P10
  • Itlog (3 pcs) – P27
  • Cornstarch – P5
  • Chicharon – P5-P10
  • Mantika

Ninong Ry at the TP Fair

At syempre, makikisaya ang ninong ng bayan sa nalalapit na Team Payaman Fair ngayong December 27-30 sa SMX Convention Center Manila!

Huwag nang magpahuli, sama-sama tayong makisaya at personal na malapitan ang isa sa mga tinitingalang food vlogger sa YouTube! Tara na po ulit!

Yenny Certeza

Recent Posts

Nobody’s Tough Like Mama: Tough Mama, The Appliance Brand Built to Last

Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…

9 hours ago

Aki Angulo-Macacua Shares Journey to Achieving Stunning Wedding Dress

Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…

10 hours ago

Here’s Why You Should Partner With Grentek Solutions For Your Next Big Events

In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…

1 day ago

Nourish Your Little Ones With ‘Luxe Kids’ by Luxe Beauty and Wellness

Having a healthy lifestyle doesn’t just start with adults alone; even kids can now embark…

1 day ago

Velasquez-Gaspar Family Sees Second Baby For The First Time Through 3D Ultrasound

Isang makulay na kabanata ang ibinahagi ng Velasquez-Gaspar Family sa pinakabagong YouTube vlog ni Mommy…

2 days ago

Mavi and Viela Flex Swimming Skills in Recent Legoland Waterpark Malaysia Trip

Bilang pagdiriwang ng ika-anim na kaarawan ng panganay nina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez na…

3 days ago

This website uses cookies.