Doc Alvin Francisco Raises Awareness on Riva Quenery’s Recent Health Dilemma

Kamakailan lang ay ibinahagi ng social media dance diva na si Riva Quenery ang naranasan nitong sakit dahilan upang pansamantala itong magpahinga. 

Alamin ang ilan sa mga payo ng resident doctor ng Team Payaman na si Doc Alvin Francisco ukol sa naging karamdaman ni Riva. 

Lower Back Pain

Buong tapang na ibinahagi ng content creator na si Riva Quenery sa ilang TikTok videos ang kanyang sinapit matapos isugod sa hospital.

Ayon sa kanya, Hunyo pa lang ay nagsisimula na itong magbuhat-buhat sa gym partikular na ang pagde-deadlift o ang pagbuhat ng barbell, na ginagamitan ng pwersa ng braso at ng likuran.

“Habang nagde-deadlift ako, takang-taka ako kasi hindi ko nabubuhat ‘yung weights. Na-stress na ako,” kwento ni Riva.

Labis na naapektuhan ang former Girl Trend member dahil naikumpara nito ang kanyang kakayahan noon sa pagbuhat, kaya pinilit nitong buhatin ang barbell nang hindi na n’ya pinansin ang kanyang form.

“So ayun, nung pagkabuhat ko, ‘dun ko na na-feel ‘yung sa lower back ko na pain. ‘Yung pain n’ya sa tailbone ko na talaga nafi-feel,” dagdag pa nito. 

Inamin naman ng first-time mom na kailanma’y hindi nito naisip na sumangguni sa doctor, dahilan upang lumala ang kanyang kalagayan.

“Feeling ko para akong na-paralyze.”

Nang matapos panoorin ang nasabing TikTok video, may ilang mga payong hatid ang doctor-vlogger na si Doc Alvin Francisco.

“Huwag tularan, sabi rin naman n’ya. Huwag magbuhat ng masyadong mabigat na weights kung mali ‘yung form ng katawan kasi pwede maapektuhan ‘yung spinal column,” ani Doc Alvin.

Dagdag pa nito, dapat sumailalim sa X-Ray at MRI procedure ang mga taong nakakaranas ng pangangalay sa kanilang mga buto at mga kasukasuan.

Isa rin sa kailangang pagtuunan ng pansin ay ang pagsubok ng mga therapy upang maiwasan ang paglubha ng pagkakaroon ng Mild Disk Dessication kagaya ng kay Riva.

Watch the full vlog below:

Back and Better for TP Fair

Good news! Patuloy na sa pagpapagaling ang social media dance diva, kaya naman tiyak na makakasama natin s’ya sa nalalapit na Team Payaman Fair Holiday Paawer Up!

Abangan si Riva Quenery at ang negosyo nitong RIVA x DeLuxuryPH sa December 27-30, 2023 sa SMX Convention Center Manila. Tara na po ulit!

Yenny Certeza

Recent Posts

Doc Alvin Francisco Shares The Proper Way To Use An Intimate Wash

Intimate care is one of the most sensitive topics out there, even up to date.…

3 days ago

Team Payaman Girls Celebrate Womanhood, One Hustle At A Time

Being a woman doesn’t just stop at being a mother, a friend, or a wife—there’s…

4 days ago

JaiGa Finally Talks About Their Controversial Break-up

Usap-usapan ngayon ang latest YouTube vlog ng content creator na si  Jai Asuncion, kung saan…

4 days ago

VIYahe Tayo EP2: Explore The Beauty of Caliraya & Cavinti, Laguna!

Sa panibagong episode ng VIYahe Tayo, isa na namang masayang adventure at dagdag-kaalaman ang hatid…

4 days ago

Beat The Heat With SNAKE Brand’s Powder & Shower Gel

The Philippines' scorching heat is here, with PAGASA warning of "danger" level heat indexes, meaning…

5 days ago

How to Join the Next Leg of Viyline MSME Caravan?

Are you a business owner looking for the perfect opportunity to showcase your brand? The…

5 days ago

This website uses cookies.