Zeinab Harake Shares Blessing by Hosting a Private Party for Street Children

Bago ang Pasko at ang kanyang kaarawan, isang misyon at surpresa ang hinanda ng social media star na si Zeinab Harake para sa mga kabataan sa Maynila.

Tunghayan ang matagumpay na fast food chain party na inihanda ni Zeinab para sa mga kabataan, bilang pasasalamat sa biyayang natanggap.

Party for Street Children

Sa kanyang bagong vlog, sinama ni Zeinab Harake ang kanyang mga Zebbies sa isinagawang private Christmas Party para sa mga kabataang nasa lansangan ng Maynila.

“Alam n’yo naman na ito ‘yung happiness ko, ‘yung December, loving, and pure happiness lang!” bungad ni Zeinab.

Inimbitahan ng Team Zebby ang ilang mga kabataan sa Kalaw, Maynila upang makisaya sa inihanda nitong kainan, programa, at pamamahagi ng pamasko. 

“Gusto ko mag-party kasama sila. Hindi lang ako, pati na rin mga anak ko,” saad nito.

Laking tuwa ng mga bata nang makasama na ang YouTube vlogger kasama ang mga anak nitong sina Bia at Lucas.

“Excited kayo, excited?” tanong ni Zeinab sa mga bata.

Unang nag-laro ang mga bata na agad sinundan ng panonood ng ilang intermission number mula sa nasabing fast food.

Namigay din ng mga gift packs si Zeinab sa mga bata upang mas lalo nilang maramdaman ang diwa ng Pasko. Laking pasasalamat naman ng mga bata sa surpresang handog ng kanilang Ate Zeinab.

Kaisa rin ni Zeinab ang Child Hope Organization na kumakalinga sa mga batang lansangan.

Samantala, inanunsyo rin ni Zeinab na ang lahat ng kikitain ng nasabing vlog ay ibibigay nya sa Child Hope Organization upang magamit sa pag-tulong sa marami pang kabataan.

Kumakatok din ang vlogger sa puso ng bawat manonood na mag-paabot kahit kaunting tulong pinansyal sa nasabing organisasyon upang mas marami pa ang matulungan nitong kabataan.

Para sa mga nais tumulong, bisitahin lang ang website ng Child Hope Organization sa https://childhope.org.ph

Arat na sa TP Fair

Abangan ang nag-iisang Zebby, Zeinab Harake sa nalalapit na Team Payaman Fair Holiday Paawer Up sa December 27-30 sa SMX Convention Center Manila.

Huwag din palampasin na bisitahin ang kanyang booth at magpa-budol sa kanyang pre-loved clothes, luxury bags, at mga sapatos! Kaya naman, arat na po ulit sa Team Payaman Fair with Zeinab Harake!

Yenny Certeza

Recent Posts

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

14 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

16 hours ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

17 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

2 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

2 days ago

Sharing is Caring: Boss Keng and Junnie Boy Star in Viy Cortez-Velaquez ‘GIPGIBING’ Series

Upang patuloy na maipagdiwang ang diwa ng kapaskuhan, patuloy pa rin si Viy Cortez-Velasquez sa…

2 days ago

This website uses cookies.