Team Payaman Fit Check: How to Dress Up in Japan the Team Payaman Way

This article is sponsored by Flava Corporation

Hindi maikakaila na ang bukod sa pagiging vlogger at social media influencers, ang bawat miyembro ng Team Payaman ay tila nagiging fashion icon na rin ng kasalukuyang henerasyon. 

Bukod kasi sa pagkakaroon ng simpleng pormahan, tila napakadali para sa mga taga-suporta ng Team Payaman na gayahin o gawing inspirasyon ang kanilang mga pang malakasang pormahan. 

Japan fit check

Kamakailan lang ay nagbakasyon ang buong Team Payaman sa Japan kung saan nagbonding at namasyal ang buong tropa. 

Kung sa mga dating vlog ay kadalasang makikitang nakapambahay lang ang magkakaibigan, ngayon ay todo flex si Viy Cortez sa pang diinang OOTD ng tropa. Kaya naman isang quick Japan Fit Check ang ibinahagi ni Viviys sa kanyang mga manonood. 

“Parang ayoko naman mag vlog kasi ilang vlog naman yung makikitaan nyo nito. So guys, ifi-fit check na lang natin sila isa-isa!” ani Viy Cortez

Vien Iligan-Velasquez

Unang sumalang sa fit check ang fashionista mommy ng Congpound na si Mommy Vien suot ang kanyang sweat shirt, beret, heat tech stockings, at boots mula sa SHEIN, at skirt mula sa TikTok shop. 

Junnie Boy

Mala Korean superstar naman ang peg ni Junnie Boy sa kanyang turtle neck top, black coat, black pants, black shoes, bonnet, gloves, at Fendi belt bag.

“Sa lahat ng outfit ko ito na yung pinaka-madiin, sa first day ko ginamit!” biro ni Junnie Boy. 

Pat Velasquez-Gaspar

Hiphop tourist naman ang awrahan ni Mommy Pat Gaspar sa kanyang oversized coordinated sweatshirt at sweat pants, bonnet, at Adidas Ultraboost rubber shoes. 

“Oh ‘di ba, parang magjo-jogging lang!” biro ni Pat. 

Cong TV

Siyempre hindi nagpahuli sa fit check ang Cong Clothing owner at ambassador na si Cong TV. Ibinida naman ni Cong ang kanyang simpleng OOTD suot ang MCM sweatshirt, Yeezy rubber shoes, at Team Payaman cap. 

Para kumpletuhin ang kanyang Japan look, nakasukbit naman kay Cong TV ang kanyang paboritong vape mula sa Flava Corporation

Viy Cortez

Hindi rin mawawala ang Viy Cortez fit check suot ang kanyang turtle neck, black coat, at heat tech pants mula sa SHEIN at Chanel bag. 

Watch the full vlog below:

​​

Kath Regio

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

19 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

1 day ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

4 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

4 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.