Mayor TV Surprises Videographer Friend With New Camera Tools

Dahil panahon na ng kapaskuhan at pagbibigayan, hindi pinalampas ng vlogger at social media influencer na si Omar Punzalan, a.k.a Mayor TV, na surpresahin ng maagang Pamasko ang kanyang videographer.

Alamin kung ano nga ba ang pangmalakasang regalo ang hatid ni Mayor TV sa kanyang videographer.

Mayor TV Gives Back

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Mayor TV ang pasilip sa inihandang surpresa para sa kanyang videographer na si Jumbo.

Bukod sa pagiging videographer, itinuring na itong kaibigan ng naturang vlogger dahil ilang vlogs at mga parody na aniya ang nagawa nila nang magkasama.

Para maisagawa ang kanyang plano, isinama ni Mayor TV si Jumbo sa Rakista Radio Office sa Quezon City. Lingid sa kaalaman nito na may naghihintay pala sa kanyang munting regalo.

Matapos ang kanilang agenda para sa Rakrakan Festival, dumeretso ang dalawa sa isang mall sa San Juan. Balak nitong pahirapan muna ang videographer, kaya naman pinagod ni Mayor TV si Jumbo bago matunton ang kanilang pakay.

Matapos ang pag-iikot narating na ng dalawa ang JG Superstore kung saan bibilhin ni Mayor TV ang regalo para kay Jumbo.

Maya-maya pa’y napukaw ang atensyon ni Jumbo ng mga camera gimbals at agad na sinilip ang mga ito.

“Gusto mo ba?” tanong ni Mayor TV.

Sagot ni Jumbo: “Wala akong pera eh!”

“Libre kita, boy!” ani Mayor TV.

Nung una’y hindi makapaniwala si Jumbo dahil akala nito’y nagbibiro lang ang kanyang kaibigan.

“Gustong gusto kong bumili neto pero medyo kapos pa ako eh,” saad ni Jumbo.

Laking tuwa nito nang mapasakamay na nya ang regalong hatid ni Mayor TV na bagong camera gimbals.

Watch the full vlog below:

Catch Mayor TV Live!

Pinatawag tayong lahat ng nag-iisang Mayor TV sa nalalapit na TP Fair ngayong Disyembre, dahil isa siya sa makikisaya sa Paskong Pinoy ng TP Fair!

Samahan si Mayor TV at ang negosyo nitong Apbrubado para sa pagkakataong makabili ng kanyang official merchandise. 

Tara na po ulit sa Team Payaman Fair Holiday Paawer Up sa December 27-30 sa SMX Convention Center Manila! Get your tickets at teampayamanfair.com.

Kath Regio

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

11 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

22 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.