Burong Volunteers as Pet Shelter Helper in Memory of His Deceased Cat

Sa bagong episode ng challenge series ni Team Payaman vlogger Aaron Macacua, a.k.a Burong, hinamon nito ang sarili na mag volunteer bilang helper sa isang pet shelter. 

Matatandaan na sa mga nakaraang episode ng “Kaya mo ba, Burs?” ay nag blindfold si Burong sa loob ng 24-oras at naging garbage collector sa loob ng isang araw. 

Pet shelter donations

“Ang misyon ko ay tulungan ang ‘The Cat House’ sa pag-aalaga ng kanilang mga rescued animals,” bungad ni Burong sa kanyang bagong vlog

Kwento nito, nagsimula ang lahat nang maisipan niyang mag donate sa mga cat centers kasama ang kapwa Team Payaman members na mahilig din sa pusa gaya nina Mentos, Dudut Lang, at Adam Navea. 

Nag donate din si Burong sa iba pang animal shelters kasama si Carding na kapwa nya cat-lover.

“At yon, after mag donate naisip ko, kaya ko kayang mag-alaga ng 100 plus na pusa? Well, malalaman natin yan sa pagvo-volunteer ko dito sa The Cat House.”

Challenge accepted

Bilang animal shelter helper, unang namalengke si Burong ng mga ipapakain sa higit isang daang rescued cats ng The Cat House. Sunod na hinugasan at niluto nito ang mga ihahain sa mga alagang hayop. 

Bukod aniya sa mga pusa, mayroon ding rescued dogs sa nasabing shelter kaya naman sinamahan din ni Burong ang mga ito sa kanilang morning excercise. 

Pagkatapos painumin ng gamot at linisan ng tenga ang mga pusa, pinakain naman niya ang mga ito.

Isa aniya sa mahirap na parte ng hamon ay ang paglilinis ng mga gamit ng pusa gaya ng basahan, litter box, at mga ginamit sa pagkain ng mga ito. 

Realizations

“Sa buong experience ko bilang helper dito sa The Cat House ay madaming bagay na tumatak sakin,” kwento ni Burong. 

“Sobrang crucial ng role ng mga cat shelters para sa mga hayop, dahil sila ang nagbibigay ng ligtas at maayos na lugar para sa kanila,” dagdag pa nito. 

Sa huli, inamin din ni Burong na ang inspirasyon nya sa nasabing vlog ay ang namayapa nitong pusa na si Cathy. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Miguelitos Ice Cream Philippines Opens First-Ever Outdoor Trailer Branch in Alabang

Miguelitos Ice Cream Philippines proudly unveiled its first-ever outdoor trailer branch in Molito, Alabang on…

12 hours ago

Strong Mind Foundation Spiritual Seminar: A Testament of Healing and Hope

Disclaimer: This article may contain triggering content on depression and suicide and is intended for…

1 day ago

Shop Team Payaman’s Pre-loved and Score Viyline Items For Less

Yes, you read that right! Your favorite Team Payaman members are selling their well-loved fashion…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez, Kakai Bautista, and Ethel Booba Explore The Life of Being a Vendor

Puno ng good vibes ang bagong vlog na hatid ng Team Payaman vlogger na si…

2 days ago

TSUPER DAD: Team Payaman’s Junnie Boy Attempts Family Vlogging

Tampok sa unang kabanata ng bagong ‘TSUPER DAD’ serye ng Team Payaman member na si…

2 days ago

Abigail Campañano-Hermosada Explores the Healing Island of Siquijor

Matapos ang kanyang naunang travel vlog sa Bohol, dinala naman ng Team Payaman vlogger na…

2 days ago

This website uses cookies.