Watch How Boss Keng and Pat Gaspar Argue in Hilarious Lovers’ Quarrel Prank

Muling nagbabalik ang mag-asawang Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar sa isang nakakatuwang prank kanilang kaibigan sa Congpound.

Tunghayan ang laugh trip na “Lovers’ Quarrel Prank” nina Mr. and Mrs. Gaspar sa kaibigan nilang si Nelson Mendoza, a.k.a Sonny J.

Lovers’ Quarrel

Sa bagong vlog ni Boss Keng, kinasabwat nito ang asawang si Pat Velasquez-Gaspar upang i-prank ang kaibigang si Sonny J.

Matatandaang isa si Sonny J sa mga nakasama ng Team Payaman boys sa finale ng kanilang 30-day Fitness Challenge journey noong Oktubre.

Bago umalis ng bahay para sa kanilang family day out, kinasa na agad ni Boss Keng ang kanyang plano para sa kanyang binabalak.

“Ngayon, s’ya ‘yung magda-drive sa atin. Naisip ko na pag-tripan natin s’ya. Ipa-prank natin s’ya na kunyari mag-aaway tayo sa loob ng kotse,” ani Boss Keng.

Maya-maya pa ay sinet up na ng mag-asawa ang camera sa kanilang sasakyan na tila nagva-vlog lang upang hindi ito mabuko ni Sonny J.

Pagkatapos ng kaunting chikahan, sinimulan na ng dalawa ang kanilang ikinasang plano na mag-away sa harap ng kanilang biktima.

Nagsimula ang away ng dalawa nang magsimula na si Boss Keng na magpaalam sa kanyang misis ng kanyang pag-alis pagkatapos ng kanilang family day.

“Ayun, dale mo! Alam mo, minsan lang tayo mag-ano [mag-plano] ng lakad natin, tapos gumagawa ka na naman ng lakad mo!” banat ni Pat.

Sagot naman ni Boss Keng: “May lakad kami, anong gagawin ko? Minsan lang kami mag-liga mom!”

Mas uminit ang tensyon nang mas pinalalim ng dalawa ang kanilang mga argumento, dahilan upang mas lalong kabahan ang biktimang si Sonny J.

“Minsan nakakapikon ka na,” ani Boss Keng.

Sagot ni Pat: “Akala mo natutuwa pa ako sa’yo?! Baba n’yo na lang kami papasundo na lang kami kay Lim.”

Dito na umimik si Sonny J at sinabing: “Deretso ko na, andito na eh!”

It’s A Prank

Matapos ang makapigil hiningang away mag-asawa nina Boss Keng at Pat, hindi na nito napigilang aminin na nabiktima ang kanilang kaibigan ng prank.

“Itapat mo d’yan Son, sa kanan, para masabi na namin sa’yo na IT’S A PRANK!” buong tuwang ibinulgar ni Boss Keng.

Hindi naman napigilan ng lahat na matawa sa naging reaksyon ni Nelson sa prank.

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

21 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

1 day ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

4 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

4 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.