Cong TV, Junnie Boy, and Boss Keng Went on a ‘Daddy Challenge’ With Team Payaman Babies

Hindi maikakailang hands on dad sa kanilang mga anak ang Team Payaman daddies na sina Cong TV, Junnie Boy, at Boss Keng. Kamakailan lang, hinamon ng TP dads ang isa’t-isa sa isang challenge kasama ang kanilang mga chikiting na sina Kidlat, Alona, at Isla. 

Sa bagong YouTube vlog ni Cong TV, ipinakita nito ang isang pambihirang pagkakataon kung saan lumabas ang TP daddies kasama ang kanilang mga anak nang walang tulong ng kanilang mga misis o baby sitter. 

Challenge accepted

Nagsimula ang lahat nang hamunin ni Boss Keng ang bayaw nitong si Cong TV na mamasyal kasama ang kanilang mga anak nang walang kasamang bantay. 

“Tatay sa tatay lang! Pakuntian sila ng iyak ngayong araw, pag nanalo ka sakin, P5,000 ka!” hamon ni Boss Keng. 

Agad namang kumasa si Cong TV sa hamon at dinamay pa ang kapatid nitong si Junnie Boy na isama ang bunsong anak na si Viela. 

“It’s time to shine, anak!” ani Cong TV sa kanyang unico hijo na si Kidlat. 

Ngunit pagsakay palang ng kotse ay nakapuntos na ng iyak si Kidlat dahil ayaw nitong maupo sa likod ng sasakyan. 

Pagdating sa mall, kanya-kanyang diskarte sina Daddy Cong, Daddy Keng, at Junnie Dad upang libangin ang kanilang mga anak habang namamasyal. 

Hindi nagtagal ay napagtanto ng mga ama kung gaano kahirap ang ginagawa ng kanilang mga misis sa tuwing sila ay namamasyal kasama ang mga chikiting. 

Plot twist

Bago umuwi, inakala ng Team Payaman daddies na matatalo na sa hamon si Daddy Cong dahil sa halos apat na beses na pag iyak ni Kidlat. 

“Beh tambak na tayo! ‘Wag ka nang umiyak, tambak na tayo!” biro ni Cong. 

Ngunit maya-maya ay tila humabol pa ng iyak si Baby Isla. Sino nga kaya ang magtatagumpay sa nasabing hamon? Alamin!

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

16 hours ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

18 hours ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

2 days ago

Yiv Cortez Wows Netizens with Her Rendition of ‘Ligaw Tingin’

Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

5 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

5 days ago

This website uses cookies.