Here’s How Mom Anne Clutz Faces Son’s Autism Dilemma

Bukod sa kanyang mga makeup reviews at tutorials, isa sa mga sinusubaybayan ng mga manonood ni Anne Clutz ay ang pagbabahagi nito ng kwento ng kanilang pamilya.

Kamakailan lang, muling ibinahagi ni Mommy Anne ang pinagdaanan nito sa sinapit ang isang hindi inaasahang pangyayari sa anak nitong si Joo.

Unfortunate Incident

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng mom vlogger na si Anne Clutz ang ilan sa mga tagpo bago ito umalis ng kanilang bahay.

Sa una’y hindi aakalain na sasapitin ng kanilang pamilya ang isang hindi inaasahang pangyayari dahil sama-sama itong nagbobonding sa kanilang tahanan.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang pangalawang anak ni Anne Clutz na si Joo ay mayroong autism, na kanya ring ibinahagi sa kanyang mga nagdaang vlogs.

Balak sanang samahan ng mom vlogger ang kanyang ina sa kanilang condominium unit kasama ang kanilang pamilya.

Maya-maya pa’y nagulat ang lahat nang malaman na umalis ang si Joo ng walang paalam.

Una nitong binuksan ang pinto ng kanilang sasakyan sabay bukas ng pinto ng kanilang automated gate.

Nang malaman na ng vlogger ang sinapit ng kanyang anak, hindi nito napigilang mangamba sa maaaring abutin ni Joo.

“Hindi ko kaya ‘to, para akong masusuka! Hindi na ako makatayo, ‘yung tuhod ko,” aniya.

Sa kabutihang palad, natagpuan ito ng isang residente na nag ngangalang Jinkee at agad na inihatid sa kanilang tahanan.

Nang matagpuan na si Joo, walang pag-dadalawang isip itong tinanong ng kanyang ina kung ano ba ang nangyari sa kanya.

“Anong nangyari? Saan ka pupunta? Iiwan mo si Mama, ha?” paiyak na tanong ng ina.

Laking pasasalamat ni Anne Clutz sa nakahanap kay Joo dahil naiwasan din ang posibilidad na makuha ito ng iba.

“Ma’am Jinkee, thank you thank you po talaga!” pasasalamat nito.

Worried Netizens

Naging bukas naman si Anne na mahirap para sa kanya na alamin ang mga totoong nangyari dahil hindi ito direktang sinasagot ng kanyang anak.

“‘Huwag na nating hintayin pa na pang-apat [beses na mawala]. Kasi sabi ko nga eh, ang swerte namin at may nakilala kay Joo,”  kwento pa nito.

Aminado naman si Mommy Anne na nagkulang sila sa kanilang pag-iingat pagdating sa pagtatago ng mga susi at remote ng kanilang gate.

Inulan naman ng mga payo ang naturang mom-vlogger pagdating sa pag-iwas ng hindi inaasahang pangyayari.

@tildamatilda3381 : “I hope you read this Mama Anne, maganda na i-lock yung car at itago keys na hindi nakikita ni Joo kung saan ito nakatago at kayo lang mag asawa nakakaalam kung saan. Maganda rin na palagyan ninyo ng bolt ang garage gate na may lock na hindi mabuksan basta basta lang especially when may tao sa bahay at iniwan si Joo. Meron po akong pamangkin na Autistic na may tendency na lumayas. Ito yung ginawa ng parents ng bata for his safety and peace of mind.

@ricamulato: “Mama Anne always remember po na you’re the best mom for your children specially kay Joo meron lang po talagang mga unexpected situations like this but you are doing great!

Watch the full vlog below:

Anne Clutz at TP Fair

Nais mo bang makita at personal na maka-chikahan ang nag-iisang OG makeup guru sa YouTube Samahan si Anne Clutz at ang negosyo nitong Anne Clutz Brushes sa nalalapit na Team Payaman Fair ngayong December 27-30 sa SMX Mall of Asia!

Likes:
0 0
Views:
495
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *