WATCH: Vien Iligan-Velasquez Encourages Followers to Prioritize Reproductive Health

Bukod sa pagbabahagi ng milestones ng kanyang buhay bilang vlogger at mommy, siniguro ng Team Payaman member na si Vien Iligan-Velasquez na gamitin ang kanyang social media platforms upang mahikayat ang kanyang mga taga-suporta na alagaan ang kanilang kalusugan. 

Sa isang TikTok video, ibinahagi ni Mommy Vien ang isa sa mga pagbisita nito sa doktor upang masigurong maayos ang kanyang reproductive health. 

OB check-up

Bago lumipad at magbakasyon sa Japan ang buong Team Payaman, binista muna ni Mommy Vien ang kanyang OB-Gyn para sa isang check-up. 

Paglilinaw ng 26-anyos na vlogger, nagpa-check up siya hindi dahil buntis siya sa kanilang baby no.3 ng asawang si Junnie Boy, kundi para magpa-pap smear. 

Ang pap smear ay isang test para sa mga kababaihan upang malaman ang kondisyon ng cervix o matres. 

Matapos ang pap smear test ay binigyan na rin si Vien ng HPV shot o anti-cervical cancer vaccine ng kanyang OB-Gyn. 

“Alam niyo ba guys, cervical cancer is number 2 cancer dito sa Pilipinas, screening for it is through cervical pap smear,” paliwanag ni Vien Iligan-Velasquez

“Sabi ng OB ko hindi daw talaga genetic ang cervical cancer, infection talaga siya. Ang pinaka ideal talaga non is ibigay [ang anti-cervical cancer vaccine] even prior na maging sexually active ka,” dagdag naman nito. 

Ayon kay Vien, inabot ng P9,400 ang binayaran niya para sa nasabing HPV shot habang P1,726 naman para sa pap smear. 

Netizens’ reaction

Hindi naman napigilan ng ilang netizens na humanga sa ginawang TikTok video ni Mommy Vien na talaga namang nakatulong magbigay kaalaman ukol sa reproductive health. 

“Tama ka Vien! Importante talaga na yearly ka nagpapa papsmear kc ako papunta na sa cancer buti naagapan… yearly ako dati nagpapa papsmear,” kwento ng isang netizen.

Dagdag naman ng isa pang taga suporta: “Very good, Vien! Self care is love!”

Kath Regio

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

1 day ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

1 day ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

3 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

3 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

3 days ago

This website uses cookies.